^

True Confessions

YAPAK SA BUBOG (Ika-104 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taong nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

NASALAKAY ng init ang katawan ni Aziza. Ang nadaramang init ay nagpalabo sa mura niyang pang-unawa sa maaaring maging kahinatnan ng kapangahasan. At kung kami’y mahuli siguradong ako ang maparurusahan. Sa kabila na malaki ang aking pagnanasa sa aking dalagang amo, nanaig pa rin ang takot ko sa maaaring mangyari. Sa dalawang sunud-sunod na pagkakauntol, na unang nangyari sa aking kuwarto at ikalawa nga dito sa kanyang kuwarto, parang nagka-phobia na ako na maaaring sa ikatlong pagkakataon ay mahuli na kami. Huwag ngayon! Sigaw ng isip ko. Marami pa namang pagkakataon.

Lalo nang lumakas ang babala nang makarinig ako ng mga yabag sa labas na sa pakiwari ko’y sa mga kapatid ni Aziza. Naglalaro sa labas ang kanyang kapatid. Sa pangyayaring iyon bumitaw ang labi ko sa pagkakahinang kay Aziza. Pero bago ko nagawang alisin ang labi ko sa makikipot niyang labi ay kinagat niya iyon. Masakit. Nakalasa ako ng dugo. Nanggigil sa akin si Aziza.

"Sorry," sabi nito.

Alam kong hindi niya sinasadya. Sabi ko’y kailangan ko nang umalis dahil inutusan lamang ako ng waled (father) niya. Itinanong ko kung nasaan ang susi ng bodega. Itinuro sa akin. Akma na akong lalabas nang pigilan niya. Siya raw muna ang lalabas ng kuwarto at titingnan kung nasaan ang mga kapatid niya. Baka raw ako makita ay delikado.

Bumalik ito ilang sandali at saka ako pinalabas ng kuwarto. Mabilis ko namang nakuha ang mga tela at dinala kay Sir Al-Ghamdi.

Kinabukasan, habang nasa sasakyan kami ay napansin ni Sir ang maliit na sugat sa aking labi dahil nangingitim na iyon. Ano raw ang nangyari roon. Hindi agad ako nakasagot kay Sir. Sa dakong huli, sinabi kong nakagat iyon ng bubuyog habang inaalis ko ang mga natira pang bougainvilla sa kanyang bakuran. Napatangu-tango lamang si Sir. Paano kung malaman niyang ang sugat na iyon ay likha ng matapang at may pagka-rebelde niyang anak na gusto nang ipagkaloob sa akin ang lahat-lahat. Sa dakong huli, gusto ko namang pagalitan ang sarili sapagkat nagiging ahas ako. Nag-aasal ulupong na matapos pakitaan ng mabuti ay gagantihan ng kasamaan. Patawad Sir, gusto kong sabihin. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

AL KHOBAR

AZIZA

PATAWAD SIR

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

SIR AL-GHAMDI

SIR. PAANO

SIR. SA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with