^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika- 44 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

ISINALANG ko ang x-rated tape. Ang tape na iyon ang pinakialaman ni Aziza at may bahaging napanood. Matapos iyon ay tiningnan ko si Ellie at nakita kong hinuhubad nito ang abaya. Hindi ako humihinga. Malakas ang kutob ko na iyon na ang hudyat ng bagong pakikipagsapalaran ko sa isa na namang anak ni Eba. Mga mata na lamang ni Ellie ang nag-usap.

Ibinalik ko ang tingin sa isinalang na tape. Nagsisimula na ang pelikula. Bumulaga ang pag-uusap ng isang lalaki at isang babae. Ang babae ay maganda at tipong mahinhin. Ang lalaki ay guwapo. Hindi ko gaanong maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. Nilakasan ko ang volume.

Bumaling ako kay Ellie. Ang hinubad na abaya ay ipinatong sa aking kama. Naka-daster lamang pala si Ellie. Malaki ang ukab sa dakong leeg ng suot na daster. Sa pagkakaupo ay nasapol ko ng tingin ang mapuputing binti. Pumuti marahil at kuminis ang mga iyon dahil matagal itinago ng abaya. Nagkatitigan kami ni Ellie. Nag-usap muli ang mga mata namin.

Ibinaling kong muli sa pelikula ang aking tingin. Nag-uusap pa rin ang lalaki at babae. Sa pakiwari ko’y hindi pa gaanong magkakilala ang dalawa. Ang babae’y disente sa suot na pang-opisina samantalang ang lalaki’y rugged ang suot. Sa tingin ko, ang babae’y higit na mas matanda sa lalaki. Kapuna-punang parang matandang dalaga ang babae. Sa totoo lamang kahit na matagal na nakatago ang x-rated tape na iyon ay hindi ko pinanonood. Ang dakong gitna marahil ng tape ang bahaging napanood ni Dalaginding na aktuwal na ipinakita ang malalaswang posisyon.

Ipinasya kong lumapit kay Ellie. Binatak ko ang isa pang upuan at tumabi sa kanya. Nakatutok na ang kanyang mga mata sa pinanonood na pelikula. Para bang nasasabik na siya sa takbo ng kuwento. Nasamyo ko ang bango ng katawan ni Ellie. Mahinhin ang amoy. Tamang-tama ang dating sa ilong. Babaing-babae. Pinaghandaan yata ni Ellie ang gabing iyon.

Pinanood namin ang pelikula. Ang babae ay waring nahihiya pa sa kaharap na lalaki. Kipit na kipit din ang mga tuhod nito sa pagkakaupo. Ang lalaki nama’y pilyo na tila sinisilipan ang babae. Hanggang sa kumilos ang lalaki at tinabihan ang babae sa pagkakaupo. Dumantay ang kamay nito sa hita ng babae at parang napaso ang babae. (Itutuloy)

AL KHOBAR

AZIZA

BABAE

BATAY

BINATAK

ELLIE

LALAKI

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with