^

True Confessions

Yapak sa Bubog (Ika-22 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al-Khobar, Saudi Arabia. Si Ren ay 10 taon nang nagta-trabaho sa Saudi. Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Sa tingin ko, mas desente si Ellie kaysa kay Tet. Mahiyain ito na para bang takot sa lalaki. Bagamat kinakausap ako lalo na kapag may kaugnayan sa aming mga amo ay para bang nangingilag. Gayong matagal-tagal na ring nag-aabroad ay para bang may itinatagong pagkapahiya na sa tingin ko naman ay hindi niya dapat gawin dahil magkababayan naman kami. Kaunting pakikipag-usap ay agad nang papasok sa loob ng bahay at gagawin ang kanyang trabaho. Hindi katulad ni Tet na kapag may itatanong sa akin ay papasok pa sa aking kuwarto at walang pagkapahiyang uupo sa aking kama. Kaiba si Ellie.

Napansin ko rin na kahit magtatapon lamang ng basura sa makalabas ng gate ay balot na balot ng abaya. Samantalang si Tet lalo na kung kaming dalawa lamang ang nasa bahay ay magtatapon ng basura nang nakadaster at kung minsan ay wala pang bra. Nasabi ko sa aking sarili na nasanay marahil si Ellie sa pinaglingkurang prinsesa na mahigpit sa pamamahay. Kailangang huwag magpapakita ng maseselang bahagi ng katawan.

Kaya maski may isang buwan na si Ellie sa bahay ay wala pa rin akong nalalaman sa kanyang impormasyon. Ni hindi ko alam kung may-asawa at anak ito. Hindi ko alam kung saan nakatira sa Maynila at kung ano ang tamang edad. Ni hindi ko alam kung ano ang apelyido. Dahil sa hindi nga ito palaimik pati ako ay nahihiya na rin siyang kausapin.

Kung Biyernes ay hindi ko siya nakikitang lumalabas. Maghapong nakakulong sa kuwarto. Hindi siya kagaya ni Tet na naglalakwatsa kung araw ng Biyernes. Naging palaisipan sa akin si Ellie.

Ang isang hindi nabago mula nang umalis si Tet ay ang madalas pa ring pakikipaglaro sa akin ni Aziza. Kahit na dalaginding na (noo’y maglalabindalawang taong gulang na yata) ay patuloy pa ring pumapasok sa aking kuwarto at kung anu-ano ang mga pinakikialaman. Walang epekto kay Aziza ang pagkawala ni Tet. Ni hindi nga itinatanong sa akin. Ang mga batang Saudi ay walang pakialam sa mga ganong bagay. Palibhasa’y ibang kultura. Mas napansin kong mas malapit pa nga siya sa akin kaysa kay Tet noon. Paano’y laging pinagsasabihan ni Tet. Kung minsan pa nga ay kung anu-anong pananakot ang ginagawa. Lalo na kapag may bagay na pinakikialaman sa kanyang kuwarto.

Para sa akin, nasisiyahan naman ako na nakikitang malapit sa akin si Aziza. Gustung-gusto kong laging nakikita ang magandang mukha nito na para bang perpekto ang pagkakagawa. Isang magandang obra ng eskultor na tamang-tama ang hugis ng ilong, tabas ng bibig at mga matang hindi nakapagsasawang tingnan. (Itutuloy)

AKIN

AZIZA

ELLIE

KUNG

KUNG BIYERNES

REN E

SAUDI ARABIA

SI REN

TET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with