^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-20 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar,Saudi Arabia.Si Ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Makalipas ang mahigit isang buwan ay naaprubahan ang pagkuha ng bagong maid ni Sir Al-Ghamdi. Bagamat malaki ang mga pinagbayaran, hindi iyon ininda ni Sir palibhasa’y maraming pera. Mafi mushkila raw. Okey lang basta’t magkaroon lamang ng maid na Pilipina.

Isang buwan pa ang lumipas at dumating na ang bagong maid. Sinabihan ako ni Sir na susunduin namin ito sa airport. Kailangan daw ay agahan namin ang pagpunta roon sapagkat may pagkakataong nawawala ang maid. Gaya raw ng maid ng kanyang half brother na nawala sa airport. Nainip daw sa paghihintay ang maid kaya ang ginawa ay lumakad nang lumakad hanggang sa makalabas ng airport at maligaw. Nakita ng mga nagpapatrulyang pulis at hiningi ang iqama. Hindi makaintindi ng Arabic. Dinala ito sa station saka inimbestigahan. Nang malamang jadid o baguhan sa Saudi ay ang among nag-recruit ang sinisi. Pinagmulta pa raw umano ng mga awtoridad ang amo dahil pinabayaan ang maid na maghintay nang matagal sa airport. Ayaw ni Sir na mangyari iyon kaya sinabihan agad ako ilang araw bago dumating ang maid.

Dakong alas-6 pa lamang ay nasa airport na kami ni Sir. Eksaktong alas-7 ay dumating ang Saudia galing sa Pilipinas. Nakaabang na kami sa labasan ng mga pasahero. Ako ang may hawak ng kapirasong cardboard na nakasulat sa bold letter ang pangalang IBRAHIM AL-GHAMDI. Madali ’yung makikita ng maid na aming sasalubungin.

Kalahating oras pa ang lumipas at marami na ang naglalabasang mga pasaherong Pinoy subalit wala pa ang aming hinihintay. Halos humaba ang aming leeg ni Sir sa pagtanaw at pagsala sa hugos ng mga Pinoy na dumarating. Wala! Kalahating oras pa ang lumipas at kakaunti na ang mga lumalabas na pasahero. Nakita ko sa mukha ni Sir ang pagkabahala. Iisa pala ang aming naiisip baka nakalampas sa aming paningin ang maid na hihintay at kung saan-saan na napasuot. Napakalawak ng airport.

Hanggang sa makita ko ang isang Pilipina na lumapit sa amin ni Sir. Alangan ang pagkakangiti. Maganda ang Pinay, naka-abaya.

"Kabayan!" bulalas ko. "Ikaw ba ‘yung hinihintay namin para kay Ibrahim Al-Ghamdi?"

"Oo. Kanina pa ako. Nakaupo ako roon."

Nagliwanag ang mukha ni Sir.

"Kaifa halek?"
tanong ni Sir sa babae.

"Ana be sehah jaiyedah, shokran."


Tulala ako. Marunong nang mag-Arabic. Palagay ko’y beterana na sa Saudi ang babae. (Itutuloy)

AL KHOBAR

IBRAHIM AL-GHAMDI

KALAHATING

MAID

NAKITA

PILIPINA

PINOY

SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with