^

True Confessions

Yapak sa bubog (Ika-13 Labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayang ipinadala ni Ren E. ng Al Khobar, Saudi Arabia.Si ren ay 10 taon nang nagtatrabaho sa Saudi.Ang iba pang pangalan at lugar ay binago sa pakiusap ni Ren.)

Walang anuman kaming bumangon at nakita ko ang matinding kasiyahan sa mukha ni Tet na animo’y nabunutan ng tinik. Para bang nawala ang bigat na dinadala sa dibdib bunga ng ilang taong pamamalagi sa Saudi Arabia. Isinuot nito ang kapirasong saplot na nakapatong sa upuan. Sunod na isinuot ang abaya. Bago umalis, itinanong sa akin kung ano ang gusto kong kainin. Kahit na ano, sabi ko.

Hindi ko magawang sisihin ang sarili sa nangyari sa amin ni Tet. Paano ko sisisihin gayong hindi naman ako ang nagpakita ng motibo. Siya ang lumapit at nag-alok. Palay ang lumapit at ang manok kahit na busog ay pilit ding tutuka. Sa totoo lamang, habang nagsi-sex kami ni Tet ay naiisip ko ang pangako sa aking asawa na hindi na titikim pa ng ibang putahe. Iiwasan ko na ang pag-sideline na dati kong ginagawa noong nasa Pilipinas pa. Hindi natupad ang pangako sa kabila na tumututol ang isip ko. Ginusto ko rin. Sukol na ako. At pagkatapos nang nangyari alam kong hindi na ako makaiiwas pa kay Tet. Alam kong may kasunod pa iyon. Mabubuo ang relasyong bawal na mabigat ang kaparusahan sa bansang aking kinaroroonan. Pagkakulong na hindi ko alam kung gaano katagal. Ganoon man, sa kabila ng nangyari sa amin ni Tet, hindi ko inisip na hahantong sa pagkakulong ang aming ginawa. Magiging bawal lamang ito kung kami ay aktong mahuhuli at may katibayan. Sino ang makahuhuli sa amin gayong wala naman ang aming mga amo. Kaming dalawa lamang ang nasa bahay sa oras na iyon.

Kinabukasan ng umaga, kumatok uli sa aking kuwarto si Tet. Alam ko, gusto na naman niya. Ang nangyari sa amin ay nakatimo na sa kanyang isip. Ikinandado kong mabuti ang pinto ng kuwarto. Naka-abaya si Tet subalit sa ilalim pala ng damit na iyon ay wala na siyang iba pang suot. Tinakpan lamang ng itim na damit para magmukhang kapita-pitagan ang kanyang ayos. Umuga na naman at umingit ang aking higaan nang muling magsanib ang aming katawan. Saka ko naalala na hindi ko nga pala nalangisan ang mga turnilyo ng aking higaan. Masyadong eskandaloso sa bawat pagkilos namin. Dumalas pa ang ingit. Kailangan na talagang langisan o palitan ang turnilyo. Baka maluwag na ang butas. Kung hindi iyon malalangisan o mapapalitan baka marinig na ang ingay sa labas at delikadong mahuli kami habang nagsasalo sa pagkain ng bawal. (Itutuloy)

AL KHOBAR

ALAM

BATAY

DUMALAS

GANOON

GINUSTO

REN E

SAUDI ARABIA

TET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with