'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-34 Labas)
October 7, 2001 | 12:00am
Gaya ng aking nasabi sa mga unang labas ng true confession na ito, ang mga mensahe sa sulat at text sa cellphone ay aking itinago. Matiyaga kong inilipat sa computer. Naniniwala ako na marami pa rin ang hindi naniniwala sa mga duwende kaya inipon ko ang mga ebidensiya na magpapatunay. Hindi ko pinipilit na maniwala ang babasa, ang sa akin lamang ay makapagbigay ng impormasyon sa kakatwang pangyayari.
Ang mga sumusunod ay bahagi ng sulat ng mga ginawa kong pagtatanong sa duwendeng si Bryana (hindi Briana gaya ng mga nalathala na. Sorry sa error. RMH). Ito ay mga sulat pa rin noong January 2001.
January 21, 2001, Linggo, alas 8:20 ng gabi:
ALMA: Mga kaibigan, hindi nyo pa inilalabas ang sapatos ni Gina. Pwede bang ilabas nyo na kasi para makapasok na siya bukas. Matagal na siyang hindi nakakapasok. Baka bukas may gawin na naman kayo para hindi siya makapasok.
DUWENDE: Magandang gabi Kaibigan, makabubuting huwag pumasok ang iyong dalawang anak. Sapagkat sa bandang doon naninirahan ang mangkukulam na ating kalaban, kaya malakas ang kanilang kapangyarihan hindi namin sila kaya. Hindi lang siya nag-iisa, tatlo sila, Hindi kita ang buwan kaya mahina ang aming kapangyarihan naway maunawaan ninyo kami. Sila ay aming mababantayan subalit hindi namin sila maipagtatanggol. Hindi sa lahat ng oras malakas kami. Yun lang ang paraan, ang huwag silang pumasok.
Kaya nga hindi namin sila pinapasok dahil gusto namin silang makatapos. Dahil kung hindi, mas lalo silang hindi makakatapos habang buhay. Baka mawala pa sila sa inyo. Gusto nyo ba yon?
Hindi namin kayo pinipilit, kung ayaw ninyong maniwala sa amin, huwag kayong maniwala. Pinagpapayuhan lang namin kayo, kung ayaw ninyong sumunod, bahala na kayo sa buhay ninyo!
Nag-uumpisa na sila ngayon, Kunin mo ang temperatura ng dalawa mong anak. Kung sino ang mataas yun ang inuuna.
Kausapin mo ang prinsipal. Ipaliwanag mo ang mga nangyayari. Ikuwento mo sa kanya. Pumunta ka sa prinsipal. O sige na. Ayos! (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended