^

True Confessions

'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-31 na labas)

- Ronnie M. Halos -
Ang pangyayaring iyon sa comfort room ay ibinilang ko sa maraming karanasang dulot ng duwende.

Isa pang pangyayari na mahirap maipaliwanag ay nang minsang mag-absent ako sa school. Ang nakapagtataka, isang co-teacher ko umano ang nakakita sa akin sa school ng araw na iyon. Hindi raw siya maaaring magkamali. Ipinagtanong daw niya ako sa iba pa naming kasamahang teacher para makatiyak. Sinabing absent nga ako. Para pa makasiguro ay tiningnan sa logbook ang aking pangalan. Wala nga. Tinawagan ako sa bahay. Gulat na gulat nang makausap ako.

"Hindi ako maaaring magkamali, nakita kita sa school kanina."

"Paano mo ako makikita e absent ako," sagot ko naman.

"E sino ’yung nakita ko?"

Hindi na ako sumagot. Ang pangyayaring iyon ay katulad din ng nangyari kay Gina. Isang teacher daw ang nakausap niya at pinauwi siya dahil walang pasok. Ang ipinagtaka ni Gina ay kakaiba ang boses ng teacher.

Gaya na nang aking nabanggit, ipinangako ng duwendeng si Briana na ang mga bagay na nawala ay kanyang ibabalik. Gaya halimbawa ng pagbabalik nila ng mga gamit ni Gina nang payagan ko itong dumalo sa party sa Pasig.

Kamakalawa (October 2) ay mayroon na naman silang ibinalik na bagay. Subalit bago iyon, sumulat muna sila. Huwag daw mainip at ang mga bagay na nawala ay unti-unting ibabalik pati ang mga nawalang pera. Ang pera ay hindi ko na inaasahang babalik.

Nagtaka kami kamakalawa sapagkat isang P50 bill ang ibinato kay Gina habang ito ay natutulog sa kuwarto. Binilot ang P50 at saka ibinato kay Gina.

Ang isa pang karanasan namin sa paglalaro ng duwende ay nang i-on nito ang aircon sa aming kuwarto.

Dumating ako noong hapon ng Martes (October 2) na natutulog si Gina at bukas ang aircon – nasa high cool. Ginising ko si Gina at sinabing bakit pa niya binuhay ang aircon e hindi naman mainit sapagkat umuulan noon.

Hindi raw siya ang nagbuhay niyon, sabi ni Gina. Pinatay ko ang aircon. Natulog uli si Gina. Pumasok ako sa banyo. Nang pumunta uli ako sa kuwarto ay naka-on na naman ang aircon. Nasa high cool na naman ito. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BINILOT

BRIANA

DUMATING

GAYA

GINA

GINISING

GULAT

HUWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with