'Pinaglaruan kami ng mga duwende' (Ika-24 na Labas)
September 27, 2001 | 12:00am
Nagkaroon ako ng interes na humukay pa ng mga karagdagang kaalaman sa mga elementals. Nagsagawa ako ng mga pagsasaliksik tungkol sa mga ito. Nagbasa ako ng mga libro. Nagbabad sa internet at naghalukay tungkol sa mga duwende. Isa nga sa aking na-research ang tungkol sa ginawang pag-aaral ng German physician at chemist na si Philippus Aureolus Paracelsus, (1493?-1541). Bagamat isang doktor, siya ang kauna-unahang nag-discuss at nagsagawa ng pag-aaral sa mga elementals. Nalaman ko na apat na uri pala ang mga duwende. Ang mga ito nga ay ang earth spirit, water spirit, fire spirit at air spirit. Nagkaroon ako ng konklusyon na ang mga duwendeng "naglalaro" at gustong makipaglaro kay Gina ay kabilang sa earth spirit.
Ang earth spirit ayon sa aking mga na-research ay kinabibilangan ng mga lamanlupa o mga duwende nga. Ang water spirit naman ay kinabibilangan ng mga nimpa; ang fire spirit ay iyong mga salamanders o mga nakatira sa mga maiinit na lugar tulad ng bulkan at mga hot springs samantalang ang air spirit ay kinabibilangan ng mga sylph, isa ring elemental being.
Sinasabi ko ang mga bagay na ito para makapagbigay ng impormasyon sa mga tao. Marami kasi ang nag-aakala na gawa-gawa ko lamang ang kuwento tungkol sa mga duwende. Wala akong pinipilit na maniwala sa pagtatapat na ito. Ang sa akin ay maihayag ang aking mga naranasan, nasaksihan at nalaman sa mga elementals.
Buhat kasi ng malathala sa pahayagang ito ang tungkol sa mga duwende "naglalaro" sa amin ay marami na ang nagpupunta sa school na aking pinagtuturuan at nagpapayo na huwag akong maniwala sa mga duwende sapagkat ang mga ito ay kampon ng kadiliman. Kabilang sa mga nagpapayo ay mga born-again Christians. Huwag ko raw intindihin ang mga ito.
Pero maaari bang hindi intindihin ang isang kakatwang bagay na madalas at paulit-ulit na nangyayari? Hindi ito puwedeng ipagwalambahala. Puwede ko rin bang hindi pagtuunan ng pansin ang pangyayari na pati cellular phone ay kaya rin nilang gamitin para kami mapaglaruan nang husto. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended