"Ikaw ang paghahawakin ko ng negosyo natin kapag nakatapos ka ng pag-aaral kaya mag-aral ka pang mabuti," sabi ng kanyang mommy at inakbayan siya sa balikat. Tinapik-tapik. Bagamat hindi sinabi, pakiramdam ni Jay ay humihingi ng sorry ang kanyang mommy sa mga nagawang pagkukulang.
Siya raw ang paghahawakin ng negosyo. Kinabahan siya makaraang marinig iyon. Hindi niya hilig ang tungkol sa negosyo. Hindi sa ganoong larangan nakatutok ang kanyang isip. Mas gusto niya ang may kinalaman sa arts. Mas gusto niya ang may kinalaman sa film making. Katunayan kahit na nasa unang taon pa lamang siya sa high school ay may balak na siyang kunin sa kolehiyo. Communication arts o anumang may kaugnayan sa mass communication. Ito ang unang hakbang para makapasok sa mundo ng film industry.
"Tamang-tama na kumuha ka ng business administration. Kayang-kaya mo iyon. Sigurado ako," sabi ng kanyang mommy.
Tumutol siya.
"Pero mommy ang hilig koy mass communication."
Tumaas ang kilay ng mommy niya. Bumitaw sa pagkakaakbay sa kanya.
"Mass communication? Are you stupid? Ano ka bakla?" (Itutuloy)