Mapait na Asukal (Ika-39 na Labas)
July 24, 2001 | 12:00am
Ibang "pintuan" ang pinuntirya. Doon na nga sa inaasam ni Lara. Subalit naging mahirap. Hindi maipilit. At bago pa magawa ay wala na ang ipinagmamalaking lakas. Wala na ang yabang at tikas. Parang sundalong lumupaypay at nagtago sa kalaban. Ano ang magagawa ni Lara na hindi naman sanay magpanauli ng lakas ng tulirong sundalo.
"Walanghiya ka! Walanghiya ka!" nasabi ni Lara at bumalikwas. Isinuot ang manipis na pantulog at dali-daling nagtungo sa banyo. Iniwan niyang nakahilata si Jay at hindi niya tinapunan ang "lumupaypay" na sundalo.
Habang nasa banyo ay nag-iiyak si Lara. Bakit ganito ang napasukan niya? Tumandang dalaga para lamang ang mapasukan ay isang miserableng kalagayan sa piling ng asawang hindi niya malaman kung ano ang gusto kung lalaki o babae? Umiyak siya habang nakaupo sa inidoro. Sino ang mag-aakala na ang tulad niyang maganda at successful sa career ay bigo naman sa paghanap ng kaligayahan sa kanyang asawa. At iilang araw pa lamang silang kasal. Imagine, birhen pa rin siya "roon". Mas nauna pang nawasak ang hindi niya inaasahang lagusan. Walanghiyang lalaki! Narurumihan na siya sa ginagawa nito sa kanya.
Isang linggo ang lumipas. Hindi pa niya balak lumabas ng kanilang bahay subalit nagpasya siyang magtungo sa kanilang bahay. Marami pa siyang kukuning mga personal na gamit doon. Nagpaalam siya kay Jay. Nagpipilit itong sumama pero sinabi niyang huwag na. Ginamit niya ang kotse.
Ang kanyang kuya ang naratnan niya sa bahay. Nasa unibersidad pa ang daddy niya.
"O kumusta ang bagong kasal, buntis na ba?"
Hindi siya umimik. Parang nakakaloko ang kuya niya. Pero alam niyang wala lamang itong masabi.
"Palagay ko hindi agad kayo magkakaanak. Sa tingin ko e mahinang klase yang si bayaw. Tingin ko riy me itinatago sa katawan."
Natulala siya. Bakit alam ng kuya niya. Gusto na niyang maniwala na ang mga lalakiy madaling mahalata kung ang kapwa nila lalaki ay silahis o bakla. Gusto na niyang ipagtapat sa kanyang kuya ang lahat subalit nagpigil siya. Sosolohin na lamang niya ang lahat. Problema nilang mag-asawa ito na hindi dapat lumabas. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended