^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-30 Labas)

TRUE CONFESSION - Ronnie M. Halos -
Sa sinabi ng kanyang daddy ay nagkaroon ng problema si Lara. Baka dahil sa pagiging maselan ng mommy ni Jay ay baka magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kilala nga niya ang daddy niya. Ayaw din nito nang matatapakan at mamaliitin. Kung ayaw sa kanya e ayaw din nito. Matigas ang paninindigan ng kanyang daddy.

Ikinuwento ni Lara sa kanyang daddy na biyuda na ang mommy ni Jay. Palibhasa’y maykaya ang pamilya kaya kasapi ito sa kung saan-saang organisasyon. Maraming mayayamang kaibigan. May sariling negosyo at kilala dahil nabibigyan ng awards ng kung anu-anong samahan.

Ikinuwento niya ang hitsura ng mommy ni Jay. Maposturyusang babae. Gayong may 60-anyos na ay slim pa rin ang pangangatawan dahil naalagaan ng ehersisyo. Hindi gaanong nagsasalita subalit kapag nagsalita naman ay may puwersa at may himig na pag-uutos. Bihira rin kung ngumiti.

"Baka simangutan lamang tayo kapag namanhikan na. Ayaw ko nang ganyan. Madali akong mapikon kapag sinisimangutan."

"Hindi naman siguro Daddy."

"Sabihin mo kay Jay na meron din naman tayong ibubuga at hindi basta-basta."

Naisip ni Lara ang mga hakbang na gagawin sa pag-uusap sa kanilang kasal kung saka-sakali. Kaugalian nang sa bahay ng babae ginagawa ang pag-uusap o pamanhikan sa idaraos na kasal. At naisip niya na baka kahiya-hiya ang bahay nila sa mommy ni Jay. Hindi naman lumang-luma ang apartment nila pero walang sinabi sa mansiyon nina Jay. Ang apartment pa naman nila sa Makati ay napapaligiran ng mga lumang bahay na yari sa kahoy. Bago marating ang kanilang bahay ay may dadaanang tumpok ng mga iskuwater na karaniwang may nag-iinuman sa kalsada at nagtitsismisan.

Sa ganoong sitwasyon ay isa ang kanyang naisip na plano. Hindi na lamang sa bahay nila gagawin ang pamanhikan. Sa ibang lugar na lamang gawin. Iyon ang sasabihin niya kay Jay. Ipagtatapat niya ang lahat kay Jay. Ayaw niyang mapahiya at mapintasan ng magiging biyenan. Ayaw niyang may masabi ito na magiging dahilan upang magalit naman ang kanyang daddy. Baka dahil doon ay masira ang mga plano nila ni Jay. (Itutuloy)

AYAW

BIHIRA

DADDY

GAYONG

IKINUWENTO

IPAGTATAPAT

ITUTULOY

JAY

LARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with