Mapait na Asukal - (Ika-12 Labas)
June 27, 2001 | 12:00am
Unang pagkakataon na may nakahalik sa labi ni Lara. Bagamat dampi lamang ay nag-iwan iyon ng hindi maipaliwanag na kasiyahan. Hindi siya nakatulog kaagad nang gabing iyon. Ninanamnam niya ang labing hinagkan ni Jay. Parang hindi na siya virgin sa nangyari. Parang nadungisan na siya. Iyon ang isang mahirap sa kanya, lagi niyang iniisip maski ang maliit na bagay. Ginugulo ang isipan niya.
Kinabukasan ay nasa opisina na naman nila si Jay. Mas maaga itong dumating sapagkat may dinalang papeles tungkol sa na-acquire na lote sa kanilang realty firm. Hindi siya makatingin ng deretso kay Jay. Ipinagtimpla niya ito ng kape.
"Baka next month ay simulan na ang construction ng building," sabi nito at humigop ng kape.
Hindi siya sumagot. Iniiwasan pa rin niyang tingnan ito. Naalala ang ginawang paghalik sa labi niya.
"Puwede ka ba mamaya?" Tanong ni Jay.
"Saan?"
"Punta tayo sa bar na pinagkitaan natin noon. Mag-enjoy tayo kahit konti. Puro na lang trabaho."
Hindi agad siya umuo. Naisip kasi niyang kalalabas lamang nila kagabi at medyo puyat pa nga siya. Pero hindi niya magawang tanggihan si Jay.
"Wala ka namang boyfriend di ba?" Sabi at bahagyang tumawa.
"Anong oras?"
"Mga alas-7. Saglit lang tayo roon."
Nagtataka siya kung bakit ganito ang nangyayari sa kanila ni Jay. Umiibig ba ito sa kanya kaya gusto siyang isama sa kung saan-saang lugar o naghahanap lamang ng makakasama at makakausap.
Ganoon pa man, sinabi niya sa sariling bahala na. Sasama siya kahit saan. (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended