Nagulat si Lara ng itanong ni Jay kung gaano na siya katagal sa realty firm na iyon. Sabi niyay may tatlong taon na. Mula sa mababang posisyon ay umakyat sa mataas at pinagkakatiwalaan na ng mga big boss. Malaki ang suweldo. Bakit hindi magkakaganoon, isa siya sa nagpalakas sa negosyo. Ang kahusayan niya sa pagpaplano o mga estratehiya sa realty business.
"Ang napapansin ko parang mahiyain ka. Parang hindi ka sanay makipag-usap," sabi ni Jay at inayos ang pagkakaupo.
Medyo nasaktan si Lara. May pagkapresko pa yata. Siya raw ay hindi sanay makipag-usap at mahiyain pa. Sa lahat ng ayaw niya e yung tatawaran ang kanyang kakayahan. Mula nang maging slim siya, lumaki ang tiwala niya sa sarili at naniwalang kaya ang anumang mahirap na pagsubok.
"Excuse me, hindi ako mahiyain. Kung mahiyain ako dapat e wala ako rito at naroon sa counter at sinisigaw-sigawan ng supervisor."
"Namumula ka yata, Lara," sabi ni Jay at nagtawa.
Umismid si Lara. Inubos naman ni Jay ang coffee at marahang ipinatong ang tasa sa kanyang mesa. Hindi tumitingin si Lara pero alam niyang nakatingin sa kanya si Jay. Sinusukat marahil ang kanyang pagkatao. Hindi mapakali si Lara. Parang ibig mahulog ng kanyang bikini panty sa pagkakatitig ni Jay. (Itutuloy)