^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-7 Labas)

-
Habang sinisimsim ni Jay ang inihandang coffee ay hindi naman mapakali si Lara. Marami na siyang nakaharap na mga kliyente at ang iba ay mga foreigner pa subalit bakit umurong yata ang kanyang dila sa harap ni Jay. Gayong sanay siyang makipag-usap at makipagbolahan ay hindi naman niya maipaliwanag ang naramdamang pangingilag kay Jay. Palihim niyang napagmasdan ang kabuuan ni Jay. Ito ang tipo ng lalaking gusto niya. Noong mataba pa siya, nangarap siyang sana ay makatagpo siya ng lalaking guwapo at mabait. Kahit hindi mayaman basta maganda ang personalidad. At tila natupad ang kanyang dasal sapagkat nasa harap na nga niya ang lalaking tumutugma sa kanyang panlasa. Palihim niyang napagmasdan ang "bukol" sa pagitan ng dalawang hita nito. Nakaumbok. Hindi small at hindi naman extra large. Katamtaman lamang. Agad niyang pinagalitan ang sarili. Bakit ganoon ang kanyang naiisip? Dalaga siya at isipin pang walang karanasan sa pakikipagrelasyon. Inamin niyang gustung-gusto na nga niyang makapag-asawa.

Nagulat si Lara ng itanong ni Jay kung gaano na siya katagal sa realty firm na iyon. Sabi niya’y may tatlong taon na. Mula sa mababang posisyon ay umakyat sa mataas at pinagkakatiwalaan na ng mga big boss. Malaki ang suweldo. Bakit hindi magkakaganoon, isa siya sa nagpalakas sa negosyo. Ang kahusayan niya sa pagpaplano o mga estratehiya sa realty business.

"Ang napapansin ko parang mahiyain ka. Parang hindi ka sanay makipag-usap," sabi ni Jay at inayos ang pagkakaupo.

Medyo nasaktan si Lara. May pagkapresko pa yata. Siya raw ay hindi sanay makipag-usap at mahiyain pa. Sa lahat ng ayaw niya e ‘yung tatawaran ang kanyang kakayahan. Mula nang maging slim siya, lumaki ang tiwala niya sa sarili at naniwalang kaya ang anumang mahirap na pagsubok.

"Excuse me, hindi ako mahiyain. Kung mahiyain ako dapat e wala ako rito at naroon sa counter at sinisigaw-sigawan ng supervisor."

"Namumula ka yata, Lara," sabi ni Jay at nagtawa.

Umismid si Lara. Inubos naman ni Jay ang coffee at marahang ipinatong ang tasa sa kanyang mesa. Hindi tumitingin si Lara pero alam niyang nakatingin sa kanya si Jay. Sinusukat marahil ang kanyang pagkatao. Hindi mapakali si Lara. Parang ibig mahulog ng kanyang bikini panty sa pagkakatitig ni Jay. (Itutuloy)

BAKIT

JAY

KANYANG

LARA

MULA

NIYA

PALIHIM

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with