Uod sa aking laman
May 21, 2001 | 12:00am
Malaswang posisyon ang nakatambad sa aking paningin. Pawang mga hayok sa pagsimsim ng kasalanan. Tila hindi mababaklas sa pagkakadikit ang mga hubad na katawang iyon na lalong pinakintab ng mapulang tama ng ilaw. "Mga putang ina nyo!" Sapat ang sigaw kong iyon upang matauhan sila sa sarap ng ninanamnam.
Sa kabila ng makamundong pag-iigting ng dalawa, agad din silang nakakalas sa mahalay na posisyon at parang mga dagang nasukol na hindi malaman kung saan susuot at susuling. Ang pagkabiglay pagkamatay din ng apoy na kaninay muntik nang sa kanilay sumunog.
Sumugod ako upang ipaglaban ang "naiputang" pagkalalaki. Subalit mas maliksi at mas malakas si Jeffrey. Natadyakan ako at natumba sa may pinto. Tumama ang aking ulo sa dingding subalit wala akong naramdamang sakit. Sinamantala nito ang aking pagkakatumba at madaling nakatalilis. Marahil ay natakot din sa maaaring mangyari at sa mga maaari kong gawin. Tumakbo ito nang hubut hubad. Ang katigasan at kayabangan ng "pagkalalaki" nito ay biglang yumuko.
Nakatayo ako at ang sinugod ay si Nilda na sa kabiglaanan ng mga pangyayari ay nanatiling nakamangha sa isang sulok. Walanghiya! sigaw ng isipan ko.Walang tigil na sampal at suntok ang iniunday ko sa mukha nito. Walang kontrol na ang aking mga suntok at kung saan-saang bahagi ng katawan niya tumama. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasakit ng babae. Nagmakaawa ito subalit hindi ko na iyon pinakinggan. Nang magsawa ako sa kasusuntok at sampal ay sinabi ko kay Nilda na lumayas na siya bago siya tuluyang mapatay.
Uminot-inot si Nilda at dinampot ang mga damit na nagkalat at nahulog sa kama. Isinuot ang kanyang damit nang nagmamadali sa takot na mapatay ko.
"Dalhin mo ang damit ng walanghiya mong kapatid at magsama na kayo kahit saan ninyo gusto. Magpakasawa na kayo sa kalibugan nyo!"
Balak pang kumuha ng mga damit ni Nilda subalit pinagtulakan ko siya palabas ng kuwarto.
"Wala kang dadalhing damit. Kung ano yang suot mo, yan lang ang dadalhin mo." (Itutuloy)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended