^

PSN Palaro

Davison kailangan ng suporta

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang sapat na suporta para kay Fil-Canadian Savi Da­vison ang ina­asahan ni PLDT Home Fibr head coach Rald Ricafort sa pagbabalik ng mga aksyon sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference bukas sa Phil­Sports Arena sa Pasig City.

Ang dalawang sunod na kabiguan ang naghulog sa kartada ng High Speed Hitters sa 3-2 para sa pagsosolo sa fifth place sa pagtatapos ng taong 2024.

“Ang nagiging struggle lang talaga namin numbers-wise, walang makasabay sa ine-expect na support na numbers,” wika ni Ricafort.

Sina wing spikers Erika Santos at Fiola Ceballos ang dapat tumulong kay Davison sa opensa ng PLDT.

Winalis ng High Speed Hitters ang Nxled Chameleons, Galeries Tower Highrisers at Capital1 Solar Spikers sa una nilang tatlong laro sa kumperensya.

Kasunod nito ay ang kanilang pagyukod sa Chery Tiggo Crossovers at Petro Gazz Angels.

Laban sa Crossovers ay humataw si Davison ng 27 points, samantalang pumalo naman siya ng 28 markers kontra sa Gazz Angels.

“Ang frustrating siguro sa part namin, nandoon na halos eh, lineup-wise and potential-wise kaya naman ta­laga dapat makasabay pero may mga factors na hindi namin ma-control na nagpapababa,” dagdag ni Ricafort.

Sa pagbabalik ng torneo bukas sa PhilSports Arena ay lalabanan ng PLDT ang Akari sa alas-6:30 ng gabi.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with