^

Police Metro

Vlogger sa Iloilo sinunog sarili para sa content

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang vlogger na nais sumikat at mag-viral ay nagawang buhusan ng gasolina at sunugin ang sarili sa bayan ng Calinog , Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

Ang vlogger na tinukoy na si Isaganijudyan Camare Canja alyas “Boy Negro ng nasabing bayan ay ini-upload ang nasabing video noong Marso 9.

Bago ginawa ang kaniyang vlog ay makikita sa video si Boy Negro na hawak ang dalawang plastic cups na may lamang gasolina.

Sa 44 segundong ­video ay makikitang humihiyaw sa matinding sakit ang nasabing vlogger na nahulog pa sa isang maliit na butas sa lugar.

Nagposte ng larawan nitong Lunes si Boy Negro na humihingi ng pinansyal na tulong sa kaniyang mga followers para ibayad sa kaniyang medical bills sa hospital.

Nabatid pa na sa kaniyang mga naunang video ay iba’t-ibang hamon ang isinagawa ng nasabing vlogger tulad ng pag-inom ng bleach, pagkain ng sabong panlaba, uod at iba pa.

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->