^

Probinsiya

Motor sumalpok sa nakaparadang trak: Rider patay, angkas sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor sumalpok sa nakaparadang trak: Rider patay, angkas sugatan
File photo of motorcycle accident.
Philstar.com / Irish Lising, file

SAN NARCISO, Quezon, Philippines — Patay ang isang 19-anyos na lalaking rider habang nalubhang nasugatan ang kanyang babaeng angkas matapos na ang kanilang sinasakyang motorsiklo ay bumangga sa nakaparadang trak sa gilid ng San Narciso-San Andres National road na sakop ng Barangay San Juan, noong Pasko ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Quezon Provincial Hospital Network - San Narciso dahil sa matinding sugat na tinamo sa ulo ng biktimang si alyas Leonard, 19, poultry worker habang patuloy na nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital dahil sa mga sugat sa katawan ang kanyang angkas na si alyas Chen-Chen, 17, pawang mga residente ng Barangay Vigo Central.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:10 ng gabi ay minamaneho ni Leonard ang motorsiklo at nakaangkas si Chen-chen at pauwi na umano sila nang hindi napansin ang nakaparadang wing van truck sa shoulder ng kalye kung kaya’t natumbok nilang banggain ang hulihang bahagi nito.

Inaalam pa ang pangalan ng tsuper ng trak na wala sa lugar ng aksidente upang papanagutan sa pangyayari.

AKSIDENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with