^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabibingwit kaya ang malaking isda?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mabibingwit kaya ang malaking isda?

BIGLANG nag-iba ang tono ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig na isinagawa ng House committee on appropriations noong Martes kaugnay sa P47.6 bilyong pondo ng DOH na ini­lipat niya sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para ibili ng protective equipment laban sa COVID-19 sa utos ni dating President Rodrigo Duterte.

Nang kapanayamin naman si dating President Duterte ukol sa sinabi ni Duque na pinayagan niya ang pag­lilipat ng pondo, wala raw siyang matandaan na sinabi iyon. Maaring ang sinabi raw niya ay “go ahead”. Kina­pa­nayam ng media si Duterte noong Martes sa Davao.

Noong nakaraang buwan, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na sampahan ng reklamo si Duque at si dating PS-DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa illegal na paglilipat ng P47.6 bilyong pondo noong 2020 habang may pandemya. Ayon kay Ombuds­man Samuel Martires, dahil hindi na maaring ipataw pa ang dismissal kina Duque at Lao, ang kaparusahan na maaring­ ipataw sa mga ito ay katumbas ng kani­lang suweldo ng isang taon na kailangang bayaran sa tanggapan ng Office of the Ombudsman. Ang desisyon ay nilagdaan ni Martires noong Mayo 8, 2024.

Matatandaan na noong Agosto 2023, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto at pagsasampa ng kaso laban kay Lao at Overall Deputy Ombudsman Warren Lex Liong dahil sa ma­anomalyang pagbili ng bilyong pisong halaga ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong 2020.

Napatunayan ng Ombudsman na dapat sampahan ng kaso sina Lao at Liong at iba pang opisyal at empleyado ng PS-DBM. Kasama rin sa sinibak sa puwesto si PS-DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman. Kinuwestiyon noon ng mga senador­ kung bakit hindi kinasuhan ng plunder si Liong. Binatikos din kung bakit hindi kasama sa kinasuhan si dating presidential adviser Michael Yang, associate nito na si Lin Wei Xiong at asawang si Rose Lin. Si Yang ay pre­sidential adviser ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang mga Pharmally officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina President Twinkle Dargani, treasurer and secretary Mohit Dargani, directors Linconn Ong at Justine Garado at board member Huang Tzu Yen.

Ang iba pang PS-DBM officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina Christine Marie Suntay, Webster Laurenana, August Ylagan, Jasonmer Uayan at Krizle Grace Mago.

Sa mga bagong sinabi ni Duque, mabingwit na kaya sa pagkakataong ito ang “malaking isda”?

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with