^

Pang Movies

Iya, buntis Sa baby no. 5!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iya, buntis Sa baby no. 5!
Iya and Fam

Preggy na naman pala si Iya Villania at pang-lima na nila itong anak ni Drew Arellano. Sa Instagram in-announce ng mag-asawa ang muling pagbubuntis ni Iya by dancing to the music of Mambo Number Five.

Ang ganda ng announcement ng mga Arellano sa pagdating ng pang-lima nilang anak. Sumayaw si Drew kasama ang mga anak mula sa panganay hanggang sa pang-apat nilang baby ngayon.

 Ang huling gap, ipinakita ang ultrasound result ng pagbubuntis ni Iya.

Ang daming nag-congratulate sa kanila at sa isang nag-comment na ginalingan nila ang announcement, ang sagot ni Iya, “Final clearance na toh before shop closes.” Ibig sabihin, last na itong pagbubuntis ni Iya.

Charo, hinihiritang ibalik ang MMK

Sa Thailand din pala pumunta si Charo Santos-Concio nang makita nina Barbie Forteza at David Licauco sa NAIA na noon ay palipad din pa-Thailand for a TVC shoot. Nag-post kasi si Charo ng photos nila ng sister niyang si Malou Santos noong nasa Hanok Village sila pati noong nasa Gwangjang Market sila.

Samantala, may photo post si Charo na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanyang followers sa Instagram. Sa kanyang larawan, makikita siya na naka-side view na nasa gilid ang tower ng ABS-CBN. Malungkot na nga ang photo, mas pinalungkot pa sa caption na “Reminiscing.”

Ramdam ang lungkot ng Kapamilya fans at may nag-suggest na mag-apply ulit ng bagong prangkisa ang ABS-CBN para muling sumigla ang Philippine entertainment.

May nagtanong naman kung sign ng muling pagbabalik nito ang post na ito ni Charo at kung tama ang kanilang hinala, matutuwa raw sila.

May mga umasa rin na sana bumalik ang MMK.

Kim, pinansin sa Gabbi!

Nagbiro si Bianca Umali na pinagpawisan ang kili-kili niya sa naging sagot ng contestant sa It’s Showtime na ka-look-alike ng boyfriend niyang si Ruru Madrid. Natanong ang contestant kung sinong artista ang pinag-awayan nila ni Bianca? Sagot ng contestant “Gabbi.”  Napa-“HOYYY” si Bianca sa gulat.

Nagkatawanan ang mga host pati ang audience dahil kahit walang binanggit na apelyido ang contestant, alam na si Gabbi Garcia ang kanyang tinutukoy. Isa sa mga host ang nagtanong sa contestant kung sinong Gabbi at may sumagot na “Gabby Concepcion.”

Kaso, sumagot si Kim Chiu ng “Gabbi Garcia” at dito na nakapag-dialogue si Bianca na pinagpawisan ang kili-kili niya.

Na-bash tuloy si Kim, unethical daw ang ginawa nito na magbanggit ng apelyido ng ibang tao na wala naman sa show.

Marami rin naman ang nagtanggol sa kanya, alam naman daw kung sinong Gabbi ang tinutukoy at alam ng marami na mag-ex sina Ruru at Gabbi. OA lang daw ang mga nag-react at nagalit sa kanya.

vuukle comment

IYA VILLANIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with