Dedo kay ‘Kristine’, 125 na
MANILA, Philippines — Pumalo na sa 125 katao ang nasawi habang 7.1 milyon ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, nasa 115 katao naman ang nasugatan habang 28 ang patuloy na pinaghahanap.
Ayon sa NDRRMC, ang pinagsamang epekto ng bagyong Kristine at Leon ay nakaapekto sa 7.1 milyong indibidwal na katumbas ng 1.78 milyong pamilya sa 17 rehiyon. Ang Bicol Region ang pinakamatinding naapektuhan na nasa 632,000 pamilya o 2.7 milyong katao.
Sa kasalukuyan, ay nasa 225 mga lugar ang lubog pa rin sa tubig baha habang 263 kalsada at 41 tulay ang hindi pa rin madaanan.
Naitala naman sa P2.8 bilyon ang pinsala sa agrikultura habang P1.5 bilyon sa imprastraktura.
Nasa 161 lugar na ang nagdeklara ng state of calamity.
- Latest