Dating Pangulong Rodrigo Duterte, pwede pa ring maiproklamang wagi sa eleksyon hangga’t ‘di convicted – Comelec
MANILA, Philippines — Maaari pa ring maiproklama bilang Davao City Mayor si dating Pang. Rodrigo Duterte kung palaring manalo sa nalalapit na halalan.
Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia, maliban na lamang kung siya ay pinal na ma-convict sa kinakaharap na crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Dagdag pa ni Garcia, kahit nakapiit at hindi physically present ay maaari pa ring maiproklama ang dating pangulo.
Sa sandali naman umanong maiproklama, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang magdedesisyon kung lilikha ng permanente o pansamantalang vacancy sa posisyon ni Duterte.
Una nang nilinaw ng Comelec na mananatili pa ring kandidato sa pagka-alkalde ng Davao City si Duterte at maaaring iboto ng tao sa halalan sa Mayo 12.
Matatandaang si Duterte ay kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands matapos na arestuhin ng mga otoridad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng ICC.
- Latest