^

Police Metro

Duterte posibleng makulong ng habambuhay sa ICC prison

Joy Cantos - Pang-masa
Duterte posibleng makulong ng habambuhay sa ICC prison
Hinarang ng mga pulis ang mga nagpoprotesta mula sa iba’t ibang militanteng grupo patungong Mendiola at hiniling kay Pangulong Marcos Jr., na gumawa ng mga hakbang para masiguradong malitis si dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Digong posibleng makulong ng habambuhay sa ICC prison.

Dahil ang paglilitis sa ‘mass murder ‘ay may katumbas na lima hanggang anim na taong pagkakabilanggo ay posibleng makulong ng habambuhay si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands kaugnay ng paglilitis sa kaso nitong ‘crime against humanity’.

“He is facing 43 counts of murder in the crimes against huma­nity case. One conviction alone for each count (or killing) is more than enough to put him away,” pahayag ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega of La Union laban sa 79-anyos na da­ting Chief Executive na magdaraos na ng ika-80 kaarawan sa darating na Marso 28.

Ang Philippine National Police (PNP) ay tumulong sa International Police sa pagsisilbi ng ICC warrant of arrest na inisyu ng tatlong hurado ng ICC kung saan hinuli si Duterte pagbalik nito sa Manila noong  nakalipas na Marso 11 galing sa political rally ng PDP Laban sa Hong Kong.

Sinabi ni Ortega na alinsunod sa panuntunan ng ICC, ang hatol sa bawat isang kaso ng murder laban sa mga dating lider ay tinatayang 30 taong incarceration na minimum o habambuhay na pagkakabilanggo.

“So, even if you credit and apply, say the last five years of trial, then it would still be a net of 25 years. He will be 105 years old by then. And that is for one murder case alone,” paliwanag pa ng solon.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->