^

Metro

Honeylet pinukpok ng cellphone SAF personnel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Honeylet pinukpok ng cellphone SAF personnel
Ang pulis na miyembro ng Special Action Force (SAF) na nagtamo ng bukol sa noo matapos na pukpukin ng cellphone ng longtime partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña matapos na arestuhin sa bisa ng arrest warrant ng ICC.
PNP-PIO

Kakasuhan ng PNP

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na sasampahan nila ng kasong direct assault ang longtime partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Ayon kay Fajardo, pinukpok ni Avanceña ng cellphone ang isang miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa ulo kaya nagkabukol habang nasa Villamor Airbase sa Pasay City.

Nabatid na nangyari ito nang patabihin si Avanceña upang lumuwag ang harapang bahagi kung saan naroon ang dating Pangulong Duterte para isakay sa bus.

Sa ngayon nakalabas na ng ospital ang babaeng pulis.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng PNP ang pagsasampa ng reklamong obstruction of justice laban kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea matapos nitong tangkaing harangin ang paghahatid sa eroplano sa dating Pangulo.

Si Medialdea ay pinosasan ni CIDG Director PMGen. Nicolas Torre dahil sa nasabing pag-delay pero pagdating sa loob ng bus ay agad din naman itong tinanggal.

Nanindigan ang PNP na hindi sila gumamit ng “excessive use of force” nang arestuhin ang dating Pangulo sa bisa ng International Criminal Court (ICC) arrest warrant.

Samantala, nanindigan ang PNP na wala silang nilabag na proseso sa pag-aresto sa dating pangulo.

Sinabi ni Fajardo na binigyan ng sapat na oras ang dating Pangulo kabilang ang pagpayag sa kampo nito na kumonsulta sa kanilang doktor at pagpapalawig sa ultimatum para maisakay sa eroplano.

Gayunpaman, itinuring na ng mga awtoridad na bahagi umano ng “delaying tactics” ang iba pang kahilingan kaya’t ipinatupad na pag-aresto sa ­dating pangulo.

Iginiit ng PNP na naipatupad nila ang maximum tolerance sa pag-aresto sa kabila ng mga panlalait at pagmumura na natanggap ng kanilang mga tauhan.

HONEYLET AVANCEñA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with