^

True Confessions

Hiyasmin (121)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“GUSTO mo ba ng sio­pao?” tanong ni Dax nang hindi agad makasagot si Hiyasmin nang tanungin niya kung ano ang gustong pasalubong pag-uwi niya mamayang hapon.

“May masarap na siopao sa restaurant na malapit sa opis,’’ sabi pa ni Dax.

“A e sige Sir Dax. Matagal na rin nga akong di nakakakain ng siopao.’’

“Sige, pasasalubungan­ kita mamaya. Maaga akong lalabas sa opis kaya mga 3:00 p.m. narito na ako. Siguro bibili na rin ako ng mami para yun na lang ang hapunan natin. Puwede ano?”

“Opo. Para hindi na ako magluluto mamayang gabi.’’

“Sige. Aalis na ako.’’

“Ingat ka Sir Dax.’’

Umalis na si Dax.

Naiwan si Hiyasmin na nag-iisip. Napakabait talaga ni Sir Dax na pati pasalubong ay dadalhan siya. Bakit kaya naisipang pasalubungan siya?

Saka naisip, tapos na ang pasya niya na hindi muna aalis sa bahay na ito kahit siya nakapagtapos at nagtatrabaho na.

Hindi niya basta maiiwan si Sir Dax na nasanay na sa mga ginagawa niya sa bahay. Walang mag-aasikaso ng mga damit nito, walang magluluto at maglilinis ng bahay. Hindi niya makaka­yang iwan ang taong pinagkautangan niya ng lahat.

KINAHAPUNAN, da­kong­ 2:00 p.m. ay duma­ting si Sir Dax bitbit ang pa­salubong—siopao at mami.

“Tamang-tama mainit ang mami at siopao. Kumain tayo, Hiyasmin,’’ sabi ni Dax.

Inilapag niya ang pagkain sa mesa.

“Bakit ang aga mo Sir Dax?’’

“Maagang natapos ang ginagawa ko. Tamang-tama naman na malapit sa opis ang tindahan nitong masarap na mami at siopao. Kain na tayo habang mainit.”

Masaya silang kumain habang nagkukuwentuhan.

Itutuloy

HIYASMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with