^

Punto Mo

‘Panyo’ (Part 11)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HI! Natatandaan mo pa ako? Ako si Emmanuel. Apat na taon na ang nakalilipas nang ibigay mo sa akin ang panyong puti,” sabi kong walang gatol.

“Hindi kita nalilimutan,’’ sagot ng babae.

“Ako si Anna Marie.’’

“Ikinagagalak kitang makilala Anna Marie.’’

“Ako rin Emmanuel.”

“Matagal na kitang inaabangan dun sa lugar na iniabot mo sa akin ang puting panyo. Pero hindi na kita nakita.”

“Talaga?”

“Oo. Dahil sa panyo na ibinigay mo.’’

“Bakit? Ano ang tungkol sa panyo?”

“Mahabang kuwento Anna Marie. Puwede ba kitang imbitahan na kumain. Tutal malapit nang mag-12:00—lunch tayo.’’

“Sure.’’

Nagtungo kami sa isang restaurant.

Pinili ko ang table na malayo sa karamihan nang kumakain. Gusto ko makapagkuwento nang maayos kay Anna Marie.

“Dito tayo, Anna Marie.’’

Umorder sila ng pagkain.

Habang hinihintay ang order, sinimulan ko na ang pagkukuwento kay Anna Marie ukol sa panyo.

Nakatitig sa akin nang buong tamis si Anna Marie.

(Itutuloy)

EMMANUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with