^

Punto Mo

‘Bangka’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last part)

ILANG beses ko pang tiningnan ang direksiyon na binabaan ng matandang babae sa kabilang pampang subalit wala na siya. Napakabilis ng mga pangyayari.

Pero ang hindi ko malimutan ay ang sinabi ng matanda na huling sakay na raw niya iyon sa aking bangka. Malayo raw ang pupuntahan niya. Pagpasensiyahan ko na raw siya. Wala raw siyang ibabayad.

Habang naglalakad ako pauwi ay hindi ko malaman kung sasabihin kay Tatay ang nangyari. Baka kasi magalit siya dahil­ muli kong isinakay ang matanda. Kabilin-bilinan ni Tatay na huwag pansinin ang babae. Iwasan ito. Lumayo raw ako sa matanda.

Nang dumating ako sa bahay, sinabi ko kay Tatay ang lahat.

At kinuwento ni Tatay ang tungkol sa matandang babae. Maraming taon na ang nakararaan, may nalunod na matanda sa ilog. Tumawid daw ito kahit malalim. Wala pang bangka noon. Pero wala raw nangahas tulungan ang matanda. Pinabayaan ng mga nakakita. Taun-taon daw ay nagpapakita ang kaluluwa ng matanda at may namamatay sa ilog. Naghihiganti.

“Pero bakit ang bait niya sa akin Tatay?’’

“Baka nabaitan siya sa’yo. Hindi mo siya siningil at tinulu­ngang makatawid.’’

Mula noon, hindi na nagpakita ang matanda.

Iyon ang hindi ko malilimutang karanasan ng aking kaba­taan habang nagbabangka.

KARANASAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with