^

Punto Mo

Mayang (54)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINAMANTALA ni Jeff na lumabas ng bahay si Puri. Hula niya, magpapa-load ito sa tindahan sa harap ng apartment.

Kailangang bilisan niya ang kilos.

Kokontakin niya si Mam Araceli, ang guro ni Mayang. Ito ang pakokontakin niya sa mga pulis at hihingi ng tulong. Kailangang makausap niya ngayon din si Mam Araceli.

Dinukot ni Jeff ang cell phone sa bulsa.

Dali-dali niyang hinanap ang number ni Mam Araceli. Inisa-isa niya.

Pero hindi niya makita. Nai-save ba niya ang number nito. Ang pagkatanda niya, nai-save niya.

Hinanap niya. Walang Araceli. Hinanap niya sa dakong ibaba. Wala talaga.

Inisa-isa uli niya.

Hanggang sa makita niya ang Mam sa contact list.

Tama ito nga ang number ni Mam Araceli.

Pinindot niya.

Nag-ring. Hindi sinasagot.

Nag-alala si Jeff na baka dumating na si Puri. Baka natapos nang magpa-load.

Ring nang ring pero walang sumasagot.

Pinagpapawisan na siya!

Hanggang may sumagot.

“Hello? Sino ito?’’

“Mam Araceli, si Jeff po ito.”

“O Jeff? Natawag ka?”

“Hihingi po ako ng tulong Mam.”

“Anong tulong?’’

“Nasa panganib po ang buhay ko. Ireport mo sa pulis. Puntahan po ako sa ­kinaroroonan kong address.”

“Okey sige. Anong address?’’

Hanggang marinig ni Jeff na may nagbukas ng gate. Si Puri parating na! (Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with