^

Punto Mo

Salat man sa biyaya ang Pasko, babangon pa rin ang mga Pilipino!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

BUONG Pilipinas ang dumaranas ng kagipitan ngayon kabilang ang mga negosyante, manggagawa at magsasaka dahil sa malalakas na bagyo na sumira ng mga kalsada, tulay at kabukiran.

Mabuti na lamang at napaghandaan ng mga ahensiya ng gobyerno ang dalawang pinakahuling bagyong sina Ofel at Pepito na kapwa naging super typhoon.

Aabutin ng maraming buwan bago makabangon sa hirap ang mga nasalanta at siguradong tamilmil na pasko at bagong taon ang sasalubong sa buong bansa. Idalangin na lamang natin na hindi tayo dalawin ng mga sakit na dengue at leptospirosis na dulot ng nakaimbak na tubig baha sa ating pamayanan.

Libu-libong bahay ang nawasak at bilyong halaga ng mga pananim at kabuhayan ang naperwisyo na lalong magpapahirap sa naghihikahos na kababayan natin na ang ikinabubuhay ay pagtatanim at pangingisda.

Ngayon lalong kailangan ang ayuda ng gobyerno upang mapautang ang mga magsasaka ng binhi at fertilizers at bangka sa pangingisda. Ibalik sana ang proyektong “biyayang dagat”at “green revolution” na isinulong noong dekada ‘70 ni Pres. Ferdinand E. Marcos Sr. na may mababang interest mula sa Central Bank tungo sa rural banks. Huwag na lang paraanin sa kamay ng mga pulitiko. Please!

Ang mabilis na paghahanda sa pagbangon ng pamumuhay ng mga nasalanta ay nasa ­kamay ng mga economic managers ni Pres. Bongbong Marcos upang pag-aralan kung papaano ito ilalatag sa tulong ng mga rural banks at kooperatiba. Magtatag agad ng Inter-agency Task Force on Agri Business and Cooperatives. Sige na Bonget!

Ngayon ang panahon na maipakita ni PBBM ang galing nila sa pangangasiwa ng ekonomiya ng bansa. Aani ito ng inggit at batikos mula sa oposisyon dahil bentahe ito sa administration candidates sa 2025 at 2028 elections. Ganun talaga ang pagkakataon. Weder weder lang!

Iwaksi lang muna sa isip ng mga nakadikit kay PBBM ang makalamang at makinabang sa mga proyekto ay aasenso pa rin ang mga Pilipino. Harinawa!

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with