^

Punto Mo

Capitan de Barangay sipain na kung pasaway

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ALINSUNOD sa batas na pinaiiral ng MMDA ay ang pagpapaluwag ng mga kalsadang daanan ng mga motorista at mga bangketang lakaran ng mga tao. Ito ay upang maiwasan ang mga aksidente lalo na sa mga batang estudyante na hindi nagagabayan ng kanilang mga magulang sa pagpasok sa paaralan.

May kaukulang coordination ito sa local government units upang ipabatid sa mga violators bago pa man magkaroon ng operations ang MMDA. Nililinis daw naman ito pansamantala ng mga pasaway at ibabalik pagkatapos ng operation ng MMDA. Perwisyong may kumukunsinti. Ikaw ba yan Cap?

Nadiskubre ng MMDA na marami sa illegal structures na sumasakop sa mga bangketa ay pag-aari ng mga malalapit na kamag-anak ng barangay officials o mismong ang mga nakaupong opisyales nito. Pasaway na halal ng bayan? Aba eh palitan na ‘yan!

Dapat nang ilapat ang kaukulang batas na sisibak sa mga pasaway na barangay officials sa sandaling mapatunayan na sila mismo ang ugat ng problemang umiiral sa nasasakupan nila.

Pasiklaban mo nga kami DILG Sec. Jonvic Remulla.

Masyado nang inaabuso ng mga pasaway na barangay officials ang pagluluwag sa kanila ng mga mayor dahil lamang sa suportang boto ng kanilang nasasakupan kahit ikabulok ng pangkalahatang mamamayan. Nangunguna pa sa ayudang handog madalas ang mga ‘yan. Tama ba, Kagawad?

May mga pasaway rin namang mga opisyales at empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na nakukuha pang makipagtalo sa operatiba ng MMDA kahit lantaran na ang kagarapalan ng kanilang violations.

MMDA Chairman Romando Artes asuntuhin mo nga para matauhan. Puwede ba?

Tagpasin na ang angas na kinunsinti ng mga abusadong administrasyon at imulat ang mga kabataan sa maayos na pamahalaan. Tama ba?

Ang barangay ay itinatag upang magkaroon ng malapit na ugnayan ang mamamayan at pamahalaan para sa maginhawang pamumuhay hindi upang maging tulay at padrino ng mga pasaway. Entiendes ba Capitan?

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with