Ginang na nakapag-donate ng libu-libong litro ng breastmilk, nakatanggap ng Guinness World Record!
Isang mapagkawanggawang ina mula Texas, U.S.A. ang nakapagtala ng world record matapos siyang makapag-donate ng ilang libong litro ng breastmilk para sa mga premature na sanggol!
Si Alyse Ogletree, 36, ay nagsimulang mag-donate noong 2010 matapos niyang malaman ang tungkol sa pangangailangan ng mga premature babies ng breastmilk.
Ang kanyang donasyon ay napunta sa Mothers’ Milk Bank sa North Texas, kung saan ang bawat ounce ng gatas ay maaaring mapakinabangan ng tatlong premature na sanggol.
Bukod pa rito, nagbigay din siya ng gatas sa kanyang mga kaibigan at sa Tiny Treasures Milk Bank.
Sa kabuuan, nakapag-donate si Alyse ng mahigit 2,645.58 liters ng breastmilk na siyang naging daan para gawaran siya ng world record title na “Largest Donation of Breastmilk by an Individual”.
Para kay Alyse, ang donasyon ng gatas ang kanyang paraan upang makatulong sa kabila ng limitadong kakayahan sa pananalapi.
- Latest