^

Punto Mo

Babae na may napakaraming koleksiyon ng stuffed toys, nakatanggap ng Guinness World Records!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 27-anyos na babae sa Illinois, U.S.A. ang nakapagtala ng world record dahil sa malaki niyang koleksiyon ng stuffed toy brand na Squishmallows!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Sabrina Dausman ang pinakabagong record holder ng titulong “Largest Collection of Squishmallows” matapos umabot sa 1,523 na piraso ng Squishmallows ang kanyang koleksiyon.

Sa panayam kay Sabrina, nagsimula siyang mangolekta nito noong 2018 nang makita niya ang isa sa mga variant nito na si “Fern the Va­lentine Fox” sa isang department store. Agad niya itong binili at simula noon ay hindi na siya tumigil sa pangongolekta nito.

Ang Squishmallows ay mga stuffed toys na kilala sa kanilang mala-marshmallow na texture. Ang mga Squishmallows ay hugis ng iba’t ibang mga hayop, mythical creatures, at iba pang cute na cha­racter, bawat isa ay may sariling pangalan at backstory.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with