^

Punto Mo

Panagutin ang mga gumamit ng PDAF

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - The Freeman

Labag sa Konstitusyon ang PDAF o pork barrel ng mga senador at kongresista, ayon sa desisyon ng Supreme Court (SC).

Sa botong 14-0, idineklarang unconstitutional ang PDAF. Pinaiimbestigahan at pinakakasuhan ang mga lu­mabag na opisyal ng gobyerno at pribado sa maling paggamit ng PDAF.

Naihabol ng SC ang de­sisyong ito dahil pilit pang isinisingit ng ilang mambabatas ang PDAF sa panukalang 2014 national budget .

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, moot and academic ang desisyon ng SC dahil karamihan sa mga senador ay umayaw na sa kanilang PDAF.

Senator Drilon, mas mabuting nagdesisyon na ang SC na labag sa Konstitusyon ang PDAF dahil baka lumamig ang isyu at tangkain na naman na maipasok sa pambansang budget ang PDAF.

Ngayong ilegal ang PDAF, malabo na itong buhayin at isingit sa mga susunod na panukalang budget.

Magandang tiyempo rin ang desisyong ito ng SC dahil unti-unti na namang binobola ng ilang mambabatas ang publiko na kailangan daw ang PDAF ngayon sa gitna ng kalamidad na tumama sa bansa.

Dapat lahat nang senador at kongresista na gumamit ng kanilang PDAF ay imbestigahan dahil ilegal ang paggamit ng nasabing pondo gayundin ang ilang Cabinet official sa pa­ngunguna ni Budget secretary Butch Abad na nangangasiwa sa pagpapalabas ng pondo.

Ngayong natapos na ang isyu sa PDAF, abangan natin ang desisyon ng SC laban sa DAP  na maraming kumukuwes­tiyon sa paggamit ng pondo na ang iba ay ipinadaan pa sa mga mambabatas. Umaasa ang lahat na hindi na lang dito matatapos ang usapin ng PDAF na labag sa Konstitusyon.

AYON

BUTCH ABAD

DAPAT

DRILON

KONSTITUSYON

LABAG

NGAYONG

PDAF

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with