128 timbog sa Bulacan, P1 milyong shabu samsam
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang nasa 128 kabilang ang limang most-wanted persons (MWPs), 42 iba pa, 12 sugarol, 62 drug suspects na nakumpiskahan ng P1,050,872 halaga ng shabu at pitong indibiduwal sa loose firearms sa pinatinding kampanya kontra krimen ng pulisya sa lalawigang ito.
Sa report ng Bulacan Police, ikinasa nila ang intensified Anti-criminality operations nitong Nob. 4-10 sa iba’t ibang lugar sa lalawigan sa layuning matiyak na magiging mapayapa ang paparating na 2025 midterm elections.
Kabilang sa kampanya kontra krimen ay ang pagsasagawa ng Oplan Galugad at Oplan Sita katuwang ang motorcycle patrols, at ang pinaigting na mga police check points.
Sinasabing bumaba ng 6.16 percent ang krimen sa Region 3 nitong nakalipas na dalawang buwan (Agosto 31-Oktubre 31, 2024) kumpara sa parehong panahon nitong nagdaang taon.
Nabatid na maraming pulis ang ipinakalat sa mga matataong lugar at mga outpost sa buong Region 3 upang mabilis ang kanilang pagresponde sakaling may maganap na krimen at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
- Latest