16-anyos bagets pinabulagta

BULACAN, Philippines – Muli na namang naghasik ng karahasan ang motorcycle-riding gunmen matapos pagbabarilin ang 16-anyos na tinedyer sa balkonahe ng bahay ng kanyang kaibigan sa Brgy. Pinaod, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa imbestigasyon ng pulisya, bumisita ang biktimang si Junnel Mendoza sa kapitbahay na si Pinky Monghe upang maglaro ng tong-its subalit pinaghintay siya nito sa balkonahe. Dito na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima.

Show comments