^

Police Metro

NBI, Comelec sanib puwersa vs vote buying

Ludy Bermudo - Pang-masa
NBI, Comelec sanib puwersa vs vote buying
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magiging talamak ang praktis na vote-bu­ying sa darating na Eleksyon 2025 na kailangang bantayan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nagsanib na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (Comelec) laban sa inaasahang talamak na vote buying para sa 2025 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magiging talamak ang praktis na vote-bu­ying sa darating na Eleksyon 2025 na kailangang bantayan.

“Ini-expect natin sa darating na election magiging talamak ang vote-buying,” ani Garcia.

Sa nakikita ng Comelec, posibleng hindi dumaan sa mga payment platform ang nasabing aktibidad at dahil alam ng mga bumibili ng boto na binabantayan ito kaya inaasahan ang mas personal na pagbibigay ng bayad kapalit ng pagboto.

“Kung ikaw nagpadala sa dalawampung tao mahigit sa isang araw sa isang transaksyon, presume namin na engaged sa vote-buying,” aniya pa.

Upang malabanan ang bilihan ng boto at iba pang paglabag sa mga panuntunan ng eleksyon, may paghahanda ang Comelec sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa National Bureau of Investigation.

Kamakailan, isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Comelec at ni NBI Director Ret. Judge Jaime Santiago para mabantayan ang halalan 2025.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with