Undas 2024 ‘generally peaceful’ – PNP
MANILA, Philippines — Naging “generally peaceful” ang paggunita ng Undas ngayong 2024 sa buong bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, na walang naitalang untoward incident sa mga sementeryo, columbaria, memorial parks at iba pang katulad na lugar sa pagdalaw ng mga Pilipino sa mga pumanaw na mahal sa buhay.
“So far, the situation is generally peaceful as no untoward incident [is] recorded,” ani Fajardo.
Dagdag pa ni Fajardo malaking tulong ang koordinasyon ng PNP sa mga local government units (LGUs) upang maayos at payapang gunitain ang Undas.
Sa kabila nito, mananatiling nakaalerto ang PNP sa inaasahang dagsa ng mga biyahero na magbabalik Maynila mula sa long weekend.
Sa Metro Manila, ipinagmalaki rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PMajor General Sidney Hernia na mapayapa ang pagdaraos ng Undas 2024 sa kabuuan sa Metro Manila.
Tagumpay aniya ang mga inilatag na paghahanda sa deployment ng mga pulis sa mga sementeryo, columbaria, transport terminals, at pangunahing convergence areas sa buong Metro Manila.
- Latest