^

Police Metro

Rizal, planong gawing ama ng kooperatiba

Ni Malou Escudero - The Freeman

MANILA, Philippines - Plano ni Sen. Lito Lapid na gawing ama ng ko­operatiba ang national hero na si Dr. Jose Rizal makaraang ideklara ang 2012 bilang International Year of Cooperatives ng United Nations General Assembly.

Sa resolusyon ni Lapid, sinabi nito na ang bayaning si Dr. Jose Protacio Mercado Alonzo y Realonda Rizal ay nagpamalas ng paniniwala sa prinsipyo kooperatiba noong paanahon ng Kastila.

Naniniwala si Lapid na ginamit ni Rizal ang prin­sipyo ng kooperatiba ng ma-exile siya sa Dapitan at hinikayat niya ang mga mamamayan doon na magtayo ng eskuwelahan.

Tumulong din si Rizal na mag-organisa ng mga magsasaka ng abaca sa Da­pitan at nagtayo ng tindahan na tinawag na La Socieda de los Abacaleros na nag o-operate sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga miyembro.

Ayon kay Lapid nagsimula ang cooperativism sa bansa noong panahon ng Kastila na natutunan naman ng mga illustrados na nag-aral sa Europa.

Aniya, panahon na para may kilalaning ‘Ama ng Ko­operatiba’ sa bansa at na­rarapat ibigay ang nasabing karangalan kay Rizal.

DR. JOSE PROTACIO MERCADO ALONZO

DR. JOSE RIZAL

INTERNATIONAL YEAR OF COOPERATIVES

KASTILA

LA SOCIEDA

LAPID

LITO LAPID

REALONDA RIZAL

RIZAL

UNITED NATIONS GENERAL ASSEMBLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with