Sunshine at mga anak, pamilya na ang turing ni Atong Ang
MANILA, Philippines — Hindi nakalimot si Sunshine Cruz nang pumanaw noong bago mag-Pasko ang veteran entertainment journalist na si tito Ed de Leon.
Naging ‘defender’ at BFF ni Sunshine si tito Ed.
Lagi silang nag-uusap sa pamamagitan ng Facebook messenger at naalala ni Sunshine na minsan nagugulat siya, naipagtanggol na siya ni tito Ed.
Kaya kahit halos Pasko na, dumalaw siya sa mga naiwan ng kaibigang manunulat.
Matagal-tagal din siya sa wake at nagbigay ng tulong.
Rest in Paradise, tito Ed de Leon.
Kung ilang taon ang Pang Masa (PM), ang sister publication ng Pilipino Star NGAYON ganun katagal siyang nagsulat sa amin.
Pero matagal din naman siyang nabasa sa PSN.
Derek, may kinakatakutan kaya ‘di mailantad ang mukha ng anak
Takot si Derek Ramsay na i-post ang mukha ng anak sa social media, papatayin daw siya ng misis na si Ellen Adarna.
Laging may takip ang face ng baby nila tuwing ipo-post niya ang baby na sa kulay pa lang ay tisay na tisay na.
- Latest