Ivana, na-call out ng mga walang pansugal
Na-call out ang actress-vlogger na si Ivana Alawi ng mga netizen sa pag-promote ng sugal.
Maraming mga netizen ang nadismaya sa post ng kapatid ni Mona tungkol sa pagiging endorser nito ng online sugal.
Milyones na raw ang kita nito sa pagva-vlog pero bakit kailangan pa raw nitong i-promote ang pagsusugal.
Depensa naman nga ibang netizen ay marami raw talagang self-righteous na perfect at santa ang tingin sa mga idolo nila. Source of income raw ito ng mga ito kaya trabaho lang.
Kung ayaw raw ng mga ito ng sugal ay huwag na lamang daw tumaya dahil at the end of the day ay choice naman daw ang pagsusugal. Nasa sa kamay pa rin ng bawat isa kung sisirain ang buhay nila.
Na true naman.
Kailan ba matututo ang mga tao na wala namang pakialam ang mga artista sa hanash nila.
Aliw ang komento na ang mga nag-call out pa raw ay wala namang pansugal kaya sa huli ay si Ivana pa rin ang panalo na bayad sa pagiging endorser niya.
Pero bukod doon ay lutang din ang kaseksihan niya habang nakaupo sa baso.
Kamakailan ay ganon din ang ginawa nila sa Uninvited actress na si Nadine Lustre.
Na-call out din ito sa pag-promote ng sugal pero sinagot nito ang mga netizen at sinabing “Choice mo ‘yan.”
‘Kaloka sila. Basta, happy new year sa bashers. Nawa’y bumait na sila ngayong 2025.
- Latest