^

Pang Movies

Aicelle, may karanasan sa milagro!

Vinia Vivar - Pang-masa
Aicelle, may karanasan sa milagro!
Aicelle Santos.
STAR/ Filer

Nakaranas na ng milagro sa kanyang buhay si Aicelle Santos kaya naman malapit na malapit daw sa kanyang puso ang karakter niya sa Isang Himala na si Elsa.

Naikwento ito ng singer sa ginanap na mediacon ng nasabing Metro Manila Film Festival 2024 entry kamakailan.

Ayon kay Aicelle, ang himala raw na nangyari sa kanyang pamilya ay ang pagpapagaling ng Panginoon sa sakit ng kanyang dalawang kapatid. “Meron akong kapatid na 21 years old, isa na siyang cancer survivor. So siya po ay pinagaling ni Lord sa stage 2 lymphoma (cancer of the blood),” kwento ni Aicelle.

“Pero towards the 6th month of our chemotherapy, inatake naman sa puso ‘yung 19-year-old brother ko. And ito po ‘yung case ng myocarditis (inflammation of the heart muscle),” patuloy niya.

“Kung ang beats per minute (ng heart) natin ay 80-100, sa kanya, naging 20 beats per minute. So, sabi sa akin ng doktor, nanganganib na daw siya,” kwento pa ng singer.

Pinapipirma na raw siya ng waiver sa hospital pero matibay na matibay raw ang paniniwala niya sa Panginoon na mabubuhay ang kapatid niya.

“I prayed over him, dito sa puso niya, and then, ‘in the mighty name of Jesus, you are healed.’ Wala pa siyang malay noon,” aniya.

Matapos daw niyang ipagdasal ang kapatid ay na-witness niya nang buong-buo kung paano dumilat ang mata nito.

“Right there and then, I witnessed miracle, bumuka po ang kanyang mata. Ang mommy ko, tumigil sa pag-iyak,” kwento niya.

Bagama’t sinasabi ng mga ka-church mate niya na siya ang nagpaga­ling sa kanyang kapatid, ang lagi naman daw niyang sinasagot ay si Lord ang nagpagaling at hindi siya.

“Kaya po, totoong may miracle. Kaya si Elsa, naniniwala sa miracle ‘yan, naniniwala rin ako sa miracle,” sey niya.

Isang miracle rin daw for her ang pagdating sa kanya ng proyektong Isang Himala na hango sa classic 1982 film ni Superstar Nora Aunor na Himala.

Nagsimula bilang isang musical play ang Isang Himala noong 2018 kung saan nga unang ginampanan ni ang iconic role na Elsa. Ngayon ay isa na itong pelikula at kasali pa sa 50th MMFF mula sa direksyon ni Pepe Diokno.

Written by National Artist Ricky Lee, the writer of the original masterpiece, bibigyan ng Isang Himala ng bagong buhay ang kwento ni Elsa. Kasama rin sina Bituin Escalante, Kakki Teodoro, and David Ezra among other, magsisimula itong mapanood sa Dec. 25.

ELSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with