^

Pang Movies

Nadine, ‘di na-awkward kay Aga

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nadine, ‘di na-awkward kay Aga
Nadine Lustre
STAR/File

Walang pagdadalawang-isip na tinanggap agad ni Nadine Lustre ang pelikulang Uninvited nang i-offer raw ito sa kanya ni direk Dan Villegas.

Kwento ng aktres sa grand mediacon na ginanap last Wednesday (Nov. 20) sa Solaire Hotel, hindi pa nga raw tapos ang pitching ay umoo na siya agad nang malaman niyang ang makakasama niya sina Vilma Santos and Aga Muhlach.

“Nu’ng pinitch po kasi sa akin nina direk Dan ‘yung project, nakakatawa, ‘yung una nilang ginawa is sinabi nila ‘yung mga kasama sa film, tapos after nu’n parang nagbigay sila ng synopsis ng kwento.

“Hindi pa tapos ‘yung pag-e-explain nila direk du’n and all, sabi ko, ‘direk, game na,’” tsika ni Nadine.

“Kasi, I mean, kelan ko ba masasabi na nakatrabaho ko silang lahat in one film? So, siyempre, this is an opportunity of a lifetime, so agad-agad tinanggap ko siya,” dagdag pa ng aktres.

Sa first shooting day ay aminado siyang talagang kabado siya.

“Kasi nga, bigatin nga ‘yung mga kasama ko, but then, everyone was so welcoming, everyone was so nice, kuya Aga and ate Vi, so, mawawala talaga ‘yung kaba mo.

“And I think, ‘yung pressure and ‘yung kaba na ‘yun just really turned to parang mas more on just wanted to have a good time, wanted to do my best and of course, to enjoy working on the film,” aniya.

Sa Uninvited ay kakaibang Nadine nga ang mapapanood at aminado ang aktres na sobrang opposite ng totoo niyang karakter sa role na kanyang ginagampanan.

“Sobrang polar opposites kami ni Nicole (her character), so I think, si Nicole kasi, parang sobrang extreme siya, na parang mayaman, tapos, alam mo ‘yun, lahat ng vices, ginagawa niya, and then, in a way, parang may hatred siya, eh, towards her dad and kung anuman ‘yung nangyayari du’n sa mundo niya.

“Ako naman, ano lang ako, chill lang naman ako. I’m okay with everything. Also, my relationship with my dad (sa film) is not exactly the same (in real life).

“Pero ang similarity namin siguro ni Nicole, I would say is pareho kaming palaban,” pahayag ni Nadine.

Sa trailer ay ipinakita ang ilang intense scenes nila ni Aga kaya naman natanong si Nadine kung hindi ba sila naging awkward sa isa’t isa while filming the scenes.

“Every time after ng eksena, naalala ko, me­rong mga adlib si kuya Aga na as in paglabas ko ng pintuan after the scene, tawa ako nang tawa,” kwento ni Nadine.

“Iba ‘yung pakiramdam ng maeksena ko si kuya Aga. Hindi naman siya awkward. I think, if ever, if anything, mas natuwa ako na naitawid namin ‘yung eksena nang ganu’n,” sey niya.

Ang Uninvited ay isa sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25. Ito ay produced ng Mentorque Productions ni Bryan Diamante at ng Project 8 Projects sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures mula sa direksyon ni Direk Dan Villegas.

Kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.

 

Aga, nag-enjoy sa pagiging masama!

Ayon naman kay Aga ay na-excite raw agad siya nang i-offer ang Uninvited sa kanya.

Kwento ng aktor sa mediacon, nag-usap daw agad sila ni Vilma Santos nang matanggap niya ang offer at siniguro raw niya talaga kung gagawin talaga ito ng Star for All Seasons.

“I called her up and I just asked her, ‘gagawin mo ba ‘to? Ikaw ba talaga? Tuloy ba talaga ‘to?’ Sabi niya, ‘yes,’ sabi niya, ‘Agathon, gawin mo ‘to.’ Hindi naman niya kailangang magsalita pa,” sey ni Aga.

Pangatlong pagsasama na nila ni ate Vi ang Uninvited at sey ni Aga, sobrang happy niya na gawin ang movie.

“It comes in threes, ‘di ba? This is our 3rd film. I’m okay. Done na ako sa buhay. And proud ako sa dalawang pelikulang ginawa namin. “Eto, sobra akong proud dito sa pangatlong ‘to.

“Nae-excite lang po ako. Salamat sa pagkakuha n’yo sa akin sa pelikulang ito,” sey ng aktor.

At nu’ng sinabi raw sa kanya na makakasama rin niya si Nadine, ang tanong daw niya agad, “leading lady ko siya?” Sabi, ‘hindi, anak mo siya.’ Sabi ko, ‘buti naman.’”

Sa pelikula ay may pagka-dark ang character ni Aga at nag-enjoy raw siya talaga na maging masamang tao.

“Hindi po siya mahirap gawin ‘pag ang kasama mo, puro magagaling. It was really an experience para sa akin. I was just having fun on set. Masaya ko siya ginawa. Masayang maging masama. Sa pelikula,” sey ng aktor.

Puring-puri rin ng aktor ang kahusayan ng production team dahil pagdating daw niya sa set ay aarte na lang sila dahil nakaayos na lahat mula sa production design, mga ilaw at lahat ng technical aspects.

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with