^

Pang Movies

Mga taga-showbiz inaapela na ibigay kay Erap ang MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - The Freeman

Nakakatuwa na may mga producer na happy for Quantum Films ni Atty. Joji Alonso dahil sa entry nito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na English Only, Please. Isang producer na may entry sa ongoing MMFF na nakausap namin ang nanood agad nito kinabukasan after ng Gabi ng Parangal dahil bukod sa seven trophies na napanalunan ng movie na idinirek ni Dan Villegas, marami na raw magagandang comments siyang naririnig. At hindi naman siya nabigo dahil nag-enjoy siya sa pinanood niyang movie nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado. At mukhang sa susunod na MMFF, balak niyang ibahin naman ang tema ng isa-submit niyang script para sa 2015 MMFF.

Maraming nagdarasal na sana nga raw ay kay Manila Mayor Joseph Estrada na ibigay ang pa­mamahala ng susunod na MMFF since last term na ngayon ni MMDA Chairman at Over-All Chairman ng MMFF Francis Tolentino. Maganda raw ang pamamahala ni Chairman Tolentino sa nakaraang apat na taon ng MMFF pero tama lamang daw na taga-pelikula naman ang siyang muling magpatakbo nito. Si Mayor Erap ang nagpasimula ng MMFF noong siya pa ang Mayor ng San Juan.

International naman ang taget OPM mas lalong palalawigin ng PhilPop

Open na muling mag-submit ng entries ang mga gustong sumali sa PhilPop 2015 Loud x Proud nang i-launch ito ng PhilPop Exeutive Director na si Maestro Ryan Cayabyab sa Spicy Fingers in Greenbelt 3, Makati City, hosted by Patricia Hizon. Ang submission ng entries ay tatagal hanggang February 28, 2015. Ayon kay Maestro Ryan, wala raw bawal, puwedeng isali ng mga composer ang kanilang mga composition kahit nanalo na ito sa ibang competitions dahil iba-iba naman ang judges sa PhilPop. Hiling lamang ni Maestro Ryan, magsulat naman ang mga sasali ng bagong musika para itulak nila ang mga awi­ting Pilipino.

Masaya ring inihayag ni Maestro Ryan na sa apat na taon na ng PhilPop, marami na sa mga isinaling musika ay ginagamit nang theme songs sa mga tele­serye at napapanood na rin sa YouTube. Ang goal naman nila ngayon ay iba naman ang concept ng music na gawin nila na puwedeng ma-consume abroad. Kaya ngayong January, 2015, magsisimula na silang umikot sa iba’t ibang lugar sa bansa para magturo ng songwriting sa mga interesadong maging composer. During the launch, nagturo si Maestro Ryan kung paano bumuo ng isang composition. Mula sa mga entertainment press na nagbigay lamang ng one or two sentences, nakabuo sila ng kasalukuyang winner ng 2014 PhilPop na si Jungee Marcelo. Ipinahayag na rin ni Maestro Ryan na magkakaroon ng Linggo ng Musikang Pilipino sa July, 2015.

Pagdadausan ng kasal nina Sen. Chiz at Heart palpak daw ang service sa mga customer

Isang kaibigan na nagkaroon ng hindi magandang karanasan nang pumunta siya sa Balesin in Quezon, ay wondering kung kakayanin kaya ng staff nito ang maraming bisitang darating sa wedding nina Senator Chiz Escudero at Heart ­Evangelista sa February, 2015. Hindi raw kasi maganda ang service ng lugar kaya raw pala marami na siyang nakausap na members na nag-cancel na ng napakamahal nilang membership doon.

CHAIRMAN TOLENTINO

DAN VILLEGAS

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

EXEUTIVE DIRECTOR

MAESTRO RYAN

MMFF

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with