^

Pang Movies

Dalawang sikat na direktor natagalan ang burol, naghintay pa na makalikom ng pambayad sa libing

MASA...RAP - The Freeman

Dalawang dating sikat na direktor ang matagal ibinurol. Hinintay pa kasing makalikom ng sapat na halaga upang makabayad ng buo sa funeral service!

Buti na lang may isang mapagkawanggawa sa showbiz na sinagot na lahat ng gastos.

BB napurnada ang pangarap na rumampa sa Halloween Parade sa New York

Tiyak na hindi na tuloy sa New York City ang traditional Halloween Parade tuwing Oct. 31 ng gabi.

Binaha kasi ang Big Apple at imposibleng rumampa roon ang mga baklesh habang marami ang napinsala ng Frankenstorm na si Sandy.

Sayang, gusto pa namang sumakay sa karosa ni BB Gandanghari upang maging opisyal na maproklama ang kanyang pagka-Diyosa ng mga beki sa ating bansa. Buti pala hindi niya tinuloy ang balak na dumayo sa NYC. Kundi napagbintangan pa siyang salot na naging dahilan ng malaking kalamidad sa States.

MGA YUMAONG KAIBIGANG MALAKI ANG NAIAMBAG SA INDUSTRIYA, GINUGUNITA

Ngayon ay All Saints’ Day at bukas ang All Souls’ Day. Gunitain natin ang mga yumaong kaibigan na malaki ang naiambag sa industriya.

Personal ito, pero una sa aking list si Babette Villaruel, na siyang namilit sa aking pasukin ang showbiz. Sumikat si Turing (Arturo Villaruel ang real name niya) bilang movie reporter, magazine/komiks editor, TV talk show host, at artista sa pelikula.

Isa siya sa mga naunang kafatid na naghatid ng mga showbiz news sa TV sa kanyang kakaibang style. Naging stand-up comic din si Babette at naging favorite performer sa Celebrity Night ng National Press Club.

Noon meron na akong trabaho, more than enough to keep body and soul together, pero nakumbinsi ako ni Babette na maging entertainment writer. Maraming salamat Babette. Nagkaroon ako ng maligaya, masagana, at makabuluhang buhay, mula noon hanggang ngayon.

Si Mrs. Bella Tan, matagal kong naging boss sa Universal Records. Kaya nasaksihan ko kung paano siya naging dakilang ina sa kanyang mga “anak” sa Pinoy music industry. Tinuring niyang panganay ang one and only multi-diamond artist na si Jose Mari Chan.

Tiyak na wala nang makakapantay sa apat na diamond record awards ni Joe.

Matindi at tapat naman ang pag-aalaga niya sa mga consistent hitmakers na sina Gary Valenciano (na lahat ng album ay multi-platinum) Jed Madela, Parokya ni Edgar, Willy Garte, Regine Velasquez, Kamikazee, Neocolours, at si Ogie Alcasid.

Noong nabubuhay pa si Ma’m Bella ang maituturing na ikalawang golden era ng Pinoy music.

Siyempre naalala ko palagi ang mga National Artist for Film na sina Direktor Lino Brocka (na mahigit isang oras kung makipagkuwentuhan sa phone). Direktor Ishmael Bernal, director/scriptwriter Orlando Naires (ang Mutya ng Tayabas) at isa sa most generous action superstar na si Rudy “Daboy” Fernandez.

Malapit rin sa aming puso ang yumaong Comedy King na si Mang Dolphy dahil tunay ang kabaitan at pagmamahal na bigay niya sa amin.

Kasamang lahat sila sa aming panalangin, pati mga kapatid sa hanapbuhay na namayapa na sa lahat ng panahon.

Zendee Rose hinusgahan na agad

Hinuhusgahan agad ng mga propeta ng lagim ang guesting ni Zendee Rose Tenerife sa Ellen show. Konting panahon pa lang naman ang lumipas. Meron pang sapat na panahon ang Pinay YouTube sensation na gumawa ng sariling pangalan.

Pati nga sina Charice at local X Factor winner na si KZ Tandingan ay tuwang-tuwa at pinupuri ang guesting ni Zendee sa show ni Ellen DeGeneres.

Dapat sa mga kababayan nating may crab mentality na gustong haltakin sa ibaba ang papasikat na mga artista, ipasipit ang mga ilong at bibig sa King Crab!

Galing ng AA winners masusubukan

Una nating makikita ang tunay na impact ng mga Artista Academy winners sa forthcoming TV show na Forever Barkada. Siyempre mamumukod tangi ang pinakamahusay umarte at pinakamalakas ang papel sa televiewers.

’Yon kasing messages sa Facebook at Twitter, baka mga kamag-anak lang ng mga talunang finalist ang nagpapadala at hindi mga tunay na tagahanga.

vuukle comment

ALL SAINTS

ALL SOULS

ARTISTA ACADEMY

ARTURO VILLARUEL

BABETTE

BABETTE VILLARUEL

HALLOWEEN PARADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with