^

PSN Palaro

TNT kokonekta sa bonus

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang ikalawa at huling ‘twice-to-beat’ incentive ang target ng TNT Tropang Giga, habang ang quarterfinal spot ang asam ng Rain or Shine at Magnolia sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng Elasto Painters ang TNT Tropang Giga ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang pagsagupa ng Hotshots sa Meralco Bolts sa alas-5 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Swak na sa quarterfinals ang NorthPort (9-3), TNT Tropang Giga (8-3), Converge (8-4), Barangay Ginebra (8-4), Meralco (7-4) at guest Eastern (7-5), habang pinag-aagawan ng Rain or Shine (6-5), NLEX (6-6) at Magnolia (5-7) ang No. 7 at No. 8 spot. Sibak naman ang San Miguel (5-7), Phoenix (3-9), Blackwater (3-9) at Terrafirma (1-11).

Napasakamay ng Ba­tang Pier ang No. 1 spot sa quarterfinals tangay ang ‘twice-to-beat’ incentive na target din ng Tropang Giga sa pagharap sa Elasto Painters.

Kung mananalo naman ang Rain or Shine sa TNT ay sila ang uupo sa No. 7 place at paglalabanan ng NLEX at Magnolia ang No. 8 seat sa isang playoff game.

Sakaling magtapos sa 6-6 ang Elasto Painters, Road Warriors at Hotshots, ang NLEX ang kukuha sa No. 7 dahil sa kanilang superior quotient habang pag-aagawan ng Rain or Shine at Magnolia ang No. 8 berth.

Ang kabiguan ng Magnolia ang kukumpleto sa eight-team quarterfinal cast kung saan uupuan ng Rain or Shine ang No. 7 at pupuwesto ang NLEX sa No. 8.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with