^

PSN Palaro

SGA pasok sa q’finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang Strong Group Athletics nang patumbahin nito ang Amman United sa bendisyon ng 84-75 panalo upang makapasok sa knockout quarterfinal stage ng 34th Dubai International Basketball championship na ginaganap sa Al Nasr Club sa United Arab Emirates.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng SGA para matamis na walisin ang group stage tangan ang imakuladang 4-0 baraha.

Nagsanib-puwersa sina NBA veterans Malachi Richardson at Chris McCullough para tulungan ang SGA sa panalo.

Nagtala ang dating Sacramento Kings at Toronto Raptors player na si Richardson ng 24 puntos mula sa 6-of-11 shooting clip sa three-point range.

Nakatuwang nito si McCullough na may 19 puntos, walong rebounds, limang assists at tatlong steals.

Binigyan lamang si NBA All-Star DeMarcus Cousins ng limang minutong playing time kung saan nagtala ito ng dalawang puntos at tatlong rebounds.

Inihahanda si Cousins sa mas matitinding laban na haharapin ng SGA sa mga susunod na araw.

Makakaharap ng SGA ang Sharjah Sports Club sa quarterfinals ala-una ng madaling araw ngayong Biyernes (oras sa Maynila).

STRONG GROUP ATHLETICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with