Showtime
Naaalala n’yo pa ba si Mikey Williams?
Well, baka kasi nakalimutan na ninyo ang matinik na Fil-American na naglaro sa TNT Tropang Giga.
Bigla kasi nawala si Mikey matapos manalo ang TNT sa 2023 Governors’ Cup finals kontra Ginebra.
Finals MVP si Mikey.
Then nagkalabuan sa contract renewal with TNT. Matagal na dramahan at nauwi sa terminational ng contract.
Dehins sila magkasundo. Sumubok si team manager Jojo Lastimosa at coach Chot Reyes pero lawa.
Ganun katagal nawala si Mikey sa eksena until sumulpot siya last Friday sa PhilSports Arena sa game ng TNT at Ginebra.
Nasa ringside si Mikey.
Ngayon, ano ang ibig sabihin nito? Willing na ba siya bumalik sa PBA? Makipag-ayos na kaya siya sa TNT? Or hahanap ng ibang team?
For now, maglalaro si Mikey sa Strong Group Athletics na sasali sa Dubai International. Short tournament lang ito kaya after that, what’s next?
Ang sabi ni Mikey, na-miss niya maglaro para sa TNT. Nagpahapyaw.
Tingnan natin. Nag-33 years old na si Mikey last October.
The clock is ticking, boy!
- Latest