^

PSN Opinyon

Broccoli at cauliflower laban sa kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang broccoli at cauliflower ay tinagurian ng mga eksperto na pinakamasustansyang gulay.

Ayon sa US Department of Agriculture, ang broccoli ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa orange.

Kasingdami ang calcium ng broccoli sa isang basong gatas. Ang mga sanga ng broccoli ay may tatlong doble ng fiber kumpara sa isang piraso ng wheat bread.

Narito ang mga sakit na puwedeng matulungan ng broccoli at cauliflower:

1. Para labanan ang kanser

Ang sulforaphane ay nagpaparami ng isang selula na kung tawagin ay “helper T-cells”. Tinutulungan nito ang atay na tanggalin ang mga dumi na nalalanghap tulad ng usok ng sigarilyo, usok ng sasakyan, at mga gamot at alak na ininom.

Ayon sa pagsusuri sa Tokyo at Singapore, makatutulong ang broccoli at cauliflower sa pag-iwas sa kanser sa balat at kanser sa baga.

Sa katunayan, ayon sa World Cancer Research Fund, may 206 pagsisiyasat ang nagsasabi na ang broccoli at cauliflower ay pangontra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay (pancreas) at bituka.

2. Para sa mga babae

Ang broccoli ay may kemikal na sulforaphane na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Ang sulfo­raphane ay pinipigilan ang isang estrogen metabolite na may kaugnayan sa breast cancer.

May taglay na folic acid ang broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan. Mayroon din itong calcium na makatutulong sa pag-iwas sa osteoporosis.

3. Para sa mataas ang kolesterol

Ang fiber na taglay ng broccoli ay makatutulong sa pagbaba ng kolesterol sa dugo at masasabi nating makali­linis sa ating bituka.

4. Para pumayat

Hindi nakatataba ang mga gulay kumpara sa karne at matatamis na pagkain. Ang isang tasa ng broccoli o cauliflower ay may taglay lamang ng 46 calories.

Kung gusto ninyong pumayat, kumain nang maraming gulay para mabusog agad.

5. Para lumakas ang katawan

Maraming antioxidants ang broccoli tulad ng beta-carotene, vitamin C at glutathione.

May mga eksperto ang nagsasabi na mas mabisa ang natural na glutathione na galing sa gulay dahil tinutulungan nito ang ating atay na alisin ang masasamang kemikal tulad ng lead at mercury.

Bukod sa mga sakit na nabanggit, ang pagkain ng broccoli at cauliflower ay tinataya ding may benepisyo sa sakit na Alzheimer’s disease, diabetes, sakit sa puso at arthritis.

BROCCOLI

CAULIFLOWER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with