^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sino ang mananagot sa victims ng Dengvaxia?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Sino ang mananagot sa victims ng Dengvaxia?

ISANG araw makaraang bawiin ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong isinampa kay dating­ Department of Health (DOH) Secretary ­Janette Garin at dalawang iba pa, kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine, sumugod sa harapan ng gusali ng DOJ ang mga magulang ng batang biktima ng Deng­vaxia. Kinokondena nila ang pag-withdraw ng DOJ sa kaso ni Garin at mga dating DOH officials na sina  Dr. Gerardo Bayugo at Dr. Ma. Joyce Ducusin.

Ilan sa magulang ang lumuhod sa kalsada at nagmakaawa kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bawiin ang nilagdaang resolusyon na nagwi-withdraw sa kasong sinampa kina Garin. Apela ng mga magulang kay Remulla, rebyuhin at buksan ang kaso para makamit nila ang hustisya. Isa sa mga ama ang umiiyak na ikinuwento ang nangyari sa 10-taong gulang na anak na babae na namatay makaraang mabakunahan ng Dengvaxia. Nanawagan siya kay Remulla na ipatupad ang batas upang makamit ang katarungan sa pagkamatay ng anak.

Sa resolusyong ­nilagdaan ni Remulla, inatasan niya ang prosecutor ­general na i-withdraw sa Quezon­ City Regional Trial Court (RTC) ang 98 counts ng kasong­ reckless imprudence resulting in homicide laban­ kina Garin, Bayugo at Ducusin. Sa resolusyon, wala uma­nong nakitang prima facie case laban sa res­pon­dents. Hindi umano maaring panagutin ang respondents sa umano’y pagsasabwatan dahil walang malisyosong intensiyon sa kanilang panig.

Nagsimula ang kontrobersiya noong Abril 2016 nang magkaroon ng dengue immunization sa 800 school children mula sa National Capital Region, Central Luzon at Region 4. Ang Dengvaxia ay binili ng pamahalaang Aquino sa halagang P3.5 bilyon sa Sanofi Pasteur isang kompanya sa France. Pero noong Nobyembre 2017, sinabi ng Sanofi na magkakaroon ng severe dengue ang sinumang nabakunahan na hindi pa nagkaka-den­gue. Ang Dengvaxia ay para lamang umano sa nagka-dengue na.

Ayon sa report, may mga batang namatay at iniuugnay ito sa Dengvaxia. Sa pagsusuri sa mga namatay na bata, nagkaroon ng pagdurugo sa internal organ, paglaki ng puso at atay at iba pang sakit na ayon sa mga magulang ay lumutang makaraang mabakunahan ng Dengvaxia. Sabi pa ng ilang magulang, hindi raw nila alam na nabakunahan ang kanilang anak habang nasa eskuwelahan. Pinapila umano ang mga ito at bina­kunahan.

Nakakadurog ng puso ang pagmamakaawa ng mga magulang ng biktima makaraang maabsuwelto ang mga dating matataas na opisyal ng DOH. Sa nangyari, saan pa sila lalapit para maipagpatuloy ang pagbubukas ng kaso. Kung ang DOJ mismo ang nag-withdraw ng kaso, ano pang aasahan sa kasong ito. Ipagpapasa-diyos na lamang ang lahat?

DENGVAXIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with