‘Jakol’ bill ibasura
SHOCKING! Iyan ang reaction tiyak nang marami kasama na ako sa bill na akda ni Sen. Risa Hontiveros na kung tawaging ay Comprehensive Sex Education bill. Kahit walang direktang sinasabing ituro sa mga musmos na bata ang masturbation tulad ng claim ni Hontiveros, ito’y malinaw na may pagpapahiwatig.
Kaya maagap na nagsalita mismo si President Bongbong Marcos na ito’y itatapon niya agad sa basurahan kapag nakaabot sa kanyang lamesa at hindi niya papayagang maging batas. Aba’y dapat lang.
Nilinaw naman ni Hontiveros na kung babasahin ang kanyang Senate Bill 1979, walang banggit dito ang katagang “masturbation” o pagpaparaos ng sarili. Tawag din ng iba rito ay “sariling sikap”. Ito raw ay naglalayon lamang na mapigilan ang dumaraming kaso ng teenage pregnancy.
Siguro, ang layunin ng bill ay maagang ma-educate ang mga kabataan sa mga bagay na may kinalaman sa sex pero hindi ko maiugnay ito sa layuning pigilin ang pre-marital sex sa mga teenagers.
Anyway, hindi ko pa nabasa ang draft ng bill pero wala naman marahil magbibigay ng nakakasindak na reaksyon kung walang pahiwatig na pati ang mga batang may edad na apat na taon ay imumulat na sa pagbabate.
Maging si President Bongbong na unang naghayag ng suporta sa bill ay nasindak matapos mabasa ang detalye ng panukalang batas.
Ano ba ang nangyayari sa mundo natin?
Dati at hangga ngayon, ipinupursige ng ilang mambabatas ang kasalan ng mga taong may parehong kasarian, ngayon naman hinihikayat ang mga batang 4-years old na mag-“tebats”?
Ano naman kaya sa susunod?
Baka isulong ang batas para puwedeng ikasal ang tao sa aso o unggoy.
- Latest